Seen

14 0 0
                                    

Naglalakad ka sa daan. Nakasalubong mo siya.

Ngumiti ka sa kanya at huminto sa harapan niya. Pinakatitigan ka niya nang mabuti.

"Uy, pare, kumusta? Long time no see!" panimula mo.

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa mukha mo.

Napakamot ka sa ulo. "Ah... Eh, Sa'n ka na pala ngayon nagtatrabaho? Mukhang bihis na bihis ka, a. Siguro nag-oopisina ka. Halata sa suot mo, e. Ako kasi, wala pang mahanap, e. Tambay muna. Palamunin ng magulang."

Mukhang ikaw lang ang natawa sa sinabi mo. Walang reaksyon ang taong nasa harap mo. Hindi mo alam kung nakikita ka ba niya o may malalim lang siyang iniisip kaya hindi ka napapansin.

"Hoy, tol! 'No na? Nagkayayaan ang barkada. Inuman. Ano, sama ka? Marami daw chix na sasama. Sabihin mo kung okay sa'yo. Iti-text ko sila."

Muli, nakatitig lang siya sa mga mata mo. Hindi mo alam kung bakit. Nawi-weirduhan ka na.

"Buhay ka pa ba? 'Nyare sa'yo, pare? Anong hangin ang nalanghap mo?"

Wala pa ring sagot.

"Ano 'to? Walang kibuan? Pinagti-tripan mo na naman ba 'ko? Hoy!"

Winawagayway mo na ang mga kamay sa mga mata niyang tulala pa rin.

Nagsimula siyang kumilos. Tiningnan ka niya muna ulo hanggang paa at naglakad palayo sa'yo.

Hindi ka makapaniwala sa ginawa niya. Napasabi ka na lang ng "Seen, September 25 at 7:26 am." At nagsimula kang maglakad dala-dala ang mga tanong na ang kasagutan ay bitbit ng taong kaaalis lang.

Resaykel BinWhere stories live. Discover now