Chapter 1

141 61 91
                                    

Pagkapasok ko sa bahay, kasalukuyang kumakain sina Mommy at Daddy. Ang sarap nga ng ulam nila-kare-kare, My fave!! Kaso lang busog na ko at the same time pagod. Sayang naman.

"How's your roadtrip Maurcelle?" Tanong ni daddy nang makita ako. Oh, yes. My second name.

Gusto ko sanang sabihin na muntik na 'kong himatayin sa sobrang kaba na baka walang tumulong sa'kin. Next time talaga iche-check ko muna si Min, ayoko na maulit yung nangyari kanina. Gosh, akala ko talaga dun na ako matutulog sa creepy na lugar na yun-oo, creepy na sya para sa'kin ngayon.

"N-nasira po si Min, Dad. 'Buti na lang may tumulong sakin at hinatid ako dito."sagot ko at bahagyang napakamot sa ulo, ang yabang ko pa kay daddy kanina nung sinabi kong magroroadtrip ako. Asar naman!

"Really? Bakit hindi mo kami kinontact? Mabuti at may tumulong nga sa'yo, sige ipakuha mo na lang kay kuya Lando bukas, kumain ka na ba?"sunod-sunod na tanong ni Daddy.

Opo, may tumulong sa'kin na isang madaldal at isang pinaglihi sa ahas, parehas silang mahangin.'tss.' Bwisit, how to unhear his snake-like expression? I mentally rolled my eyes,

Ang sakit kaya sa tenga!

"Opo, kumain na po ako. tsaka wala po kasing signal, e. Sige po dad akyat na po pala ako, Goodnight" pagpapaalam ko. Gusto ko na kasi talagang magpahinga.

"Goodnight sweetie, I love you." Si Mommy.

Napangiti ako sa sinabi ni Mommy. Ang sweet talaga nila sakin, di ko alam kung anong ginawa kong kabutihan sa past life ko at nagkaroon ako ng sweet at mapagmahal na mga magulang. Charot!

"I love you Mom, Dad." Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi at umakyat na.

Pagkarating ko sa kwarto ay nagtooth brush muna ako at naligo. This day is a bit tiring, kaya naman nagmadali na akong maglinis ng katawan.

Gustong-gusto ko na humilata grr.

Pagkatapos kong magbihis ay chineck ko muna yung cellphone ko habang ginagawa ang skin care routine ko. Habang nag-sscroll ako ay may notification na nakakuha ng atensyon ko.

'Calvin Kreios Alcantara added you on facebook'
'calvinklein started following you'

Aba, real quick din tong si Calvin, e. In-accept ko si Calvin at finallow back na rin, famous pala ang kumag 9k+ yung followers, sabagay gwapo e. Di ako stalker pero ang hot kasi ni Calvin dun sa latest post nya, as in. Nakatop-less kasi sya tapos pang-model yung pose-an, ganon haha. Hala wait..

Ian taph nah! Natauhan ako, ang dami ko na palang pinag-iiiisip. Hoy, hindi ko pinag-papantasyahan si Calvin ha!

Habang pinagpapatuloy ko ang ginagawa kong routine ay nag beep ulit yung phone ko at, pagtingin ko ay napakunot na lang ang noo ko.

'leuivanderei started following you.'

Isa pa 'tong mayabang na 'to, inis na inis talaga ako sa kanya-yung tipong kakikita nyo pa lang sa isa't-isa, e alam mo nang ayaw mo sa kanya?parang nakadikit na kasi sa pangalan nya yung kahanginan? Parang- Andrei 'Mahangin' Leiuvan. Ganun.

Kahit napipilitan ako ay finallow back ko na sya, 10k+ followers? ayaw patalo ah. Di na ko magtataka, gwapo naman kasi talaga sya slash mayabang. Kagaya nung kay Kreios, yung latest update nya ay sa beach din, hindi nga lang nakatop-less...

Napa-iling na lang ako, bakit parang nanghihiyang ka Neight?

Ilalapag ko na sana yung phone ko, baka kasi ano pa nanamang makita ko ng..

The Standard Of A Bastard (Branded Series #1)Where stories live. Discover now