01

186 13 0
                                        

SHARINE

"Hernandeeeeeezzzz, three points!" Nandito ako ngayon sa Araneta, may game ang Ginebra at San Miguel. Sobrang ingay. Sobrang wild. Sobrang saya.

Unang assignment ko 'to bilang isang sports beat reporter. Excited ako dahil mahilig talaga 'ko sa sports, lalo na sa basketball. Part ako ng women's team noong college.

Medyo culture shocked lang ako ngayon dahil sobrang siksikan pala talaga 'pag kukuha ng interviews, mabuti na lang at magaling ako sa siksikan at balyahan. At malakas ang boses ko, mabilis mapansin.

I was standing in the media area just beside the court. I was looking at my phone, nag che-check ako ng mga kailangan ko na shots at interviews para mabuo ang unang storya ko.

"Ahhh!" Napasigaw na lang ako nang may tumama na katawan sa'kin. "Ouch!" Bumagsak kaming dalawa at tumama 'yung ulo n'ya sa ulo ko. Sobrang taas yata tumalon nitong tao na 'to kaya lumipad s'ya papunta sa pwesto ko. Arg.

The guy immediately stood up. "Sorry, miss. Sorry." SanMig player, Dominic Hernandez, extended his arm at inabot ang kamay n'ya sa'kin para i-bangon ako. Medyo nagkakagulo sa paligid naming dalawa. May mga kumukuha pa ng pictures. Agad din ako nitong binitawan matapos akong makatayo. "Are you okay?"

Napatango na lang ako kahit ang totoo ay parang medyo nahihilo ako. Ang sakit ng hampas ng ulo n'ya sa'kin, for sure mag bubukol 'to. Shet, nakakahiya.

His team called for a time out.

Dominic Hernandez didn't leave my side while some of the paramedics checked on my head. "Okay na 'ko, balik ka na doon," sabay turo ko sa courtside ng team nila. Hindi naman s'ya sumagot, pero hindi rin umalis.

Napansin ko na namumula din 'yung noo ni Dominic. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok n'ya para makita ng maayos kung may bukol din ba s'ya kagaya ko. Napa atras naman s'ya dahil sa ginawa ko.

"Ay, sorry. Ayaw mo ba mahawakan? Hindi po ako fangirl, walang malisya, may bukol ka lang kasi. Ipagamot din natin," paliwanag ko sakanya habang tinuturo 'yung bukol n'ya sa noo. Ang suplado pala talaga nito.

Ofcourse I did my research bago ako pumunta dito kaya alam ko ang chismis tungkol sa mga players na 'to.

Dominic Hernandez, San Miguel Team's Small Forward, is apparently a snob lalo na sa mga fangirls n'ya. With his moreno complexion, pointed nose, towering height, and his all-over looks, he's got dozens of fangirls going after him kahit pa suplado ito.

"Sorry, I'm okay. Sorry ulit with what happened, miss," Dominic then jogged to his teammates. Hindi man lang ako hinintay sumagot.

The game proceeded at tinuloy ko din ang trabaho ko kahit pa may bandage ako sa noo. SanMig won the game with a ten-point lead.

Ginebra ang bet ko. Talo pa 'ko ng bente sa pustahan namin ng mga kapatid ko. Hays.

I opened our network's Twitter account so I can update about the game but I was greeted with tweets about what happened earlier sa game. Shet talaga! Dami ko tuloy photos online na may bukol sa noo.

"Ang swerte ni ate, nahawakan si Dom," basa ko sa isang tweet na nadaan ko sa feed. Ano kaya ang swerte doon eh pawisan nga 'yong Dominic? I just tweeted about the game and turned off my phone.

Napahawak naman ako sa noo ko. Kainis na bukol 'to, kumalat pa sa online world.

Hay, so much for my first field work.

----------

Invisible StringsWhere stories live. Discover now