Chapter 1

582 340 272
                                    

CHAPTER 1



Laglag ang panga ko habang pinagmamasdan ang napakalaking mansion na nasa harapan ko. *O* Ganiyan ang reaksiyon ko habang tinitingala ang mansion.




"Wow. Ang laki naman nito. Hihi." Starting today, dito na ako magtatrabaho sa Mansiyon ng mga Marcova!




"

Ms. Delos Santos." Napatayo ako ng maayos nang tawagin nung isang babae ang apelyido ko.




"P-Po?" kinakabahan kong sagot. Ang taray niya kasing tingnan tapos ang weird ng tayo niya. Medyo naka-tilt kasi 'yong ulo niya pakaliwa. "Hinihintay ka na ni Mr. Marcova." Tumango ako at pinagbuksan naman nila ako ng gate.





Sumunod ako do'n sa babae. "Sana mag-tagal ka rito, hija." saad niya. "H-Ha? Ano po?" Bigla tuloy akong kinabahan. Bakit ang we-weird ng mga tao rito? Nakahilera 'yong mga babaeng nakasuot din ng pang-katulong na damit. Tapos may nakasuot naman ng pang-chef na damit. 'Yong dalawa naman ay guard. Straight ang tindig nilang lahat at naka-chin up pa. *_*





May lumabas na lalaki roon sa pintuan. Naka-suit siya at... ang guwapo! Ahihihi. Itigil mo nga 'yang kaharutan mo Kendra. Tsk. -_-




"Ikaw ba si Ms. Delos Santos?" Agad akong tumango at ngumiti. Seryoso siyang nakatingin sa akin at hindi man lang ngumiti. Kakatakot naman 'to. "Come in." aniya bago pumasok sa loob. Susunod na sana ako pero itinaas nung matandang babae ang kamay niya.




"Bakit po...?" Hindi siya sumagot at sinenyasan 'yong mga nakahilera doon sa gilid.




"Halika na." Sumunod naman ako agad at pagpasok pa lang namin sa loob ay napanganga na naman ako. Ang laki talaga ng mansion nila. Tapos may fountain pa doon sa isang labasan. "So, Ms. Delos---" naputol ang sinasabi ng amo ko nang may sumigaw.




"What the hell!? Simpleng bagay lang hindi mo maintindihan?! You're fired!" May nakita akong isang matangkad na lalaki na may sinisigawan na maid. Nakayuko lang 'yong maid at paiyak na. "Ano pang tinatanga-tanga mo!? Out!"




"Hey, Kendrick." Lumingon naman 'yong lalaki at lumapit.




"What now, you ugly old man?" Aba! Walang galang din ang lalaking 'to ah!




"Excuse me, 'wag mo ngang tawagin panget si Mr. Marcova. Atsaka hindi ka man lang ba marunong mag-po!?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya sa akin naman siya bumaling.




"And who are you!? Don't you know me!? Huh? Get out!" sigaw niya. Sabay walk out. May topak ba ang lalaking 'yon?! Magsasalita pa sana ako pero nagsalita na si Mr. Marcova.




"I'm sorry for my Son. He's always like that. Sana magtagal ka dito, Ms. Delos Santos."




"Opo sir. Okay lang po." sagot ko. May mga ipinaliwanag siya sa akin at ang mga bagay na dapat kong gawin. Sa totoo lang gusto ko na sanang mag-back out at umalis. Kaya lang naisip ko naman si Mama. Umaasa pa naman siya na makakapasok ako sa Mansion na 'to kahit katulong man lang. Siya kasi ang nagpapasok sa akin dito.




"Goodluck, Ms. Delos Santos." 'Yan ang huling mga salita na narinig ko bago ako nagbihis para simulan na ang trabaho. Iba talaga kapag sa mayaman ka pumapasok. Pati uniform mamahalin. Magdadalawang-isip ka tuloy kung susuutin mo pa ba o hindi na.




One Hundred Days To Love Him [ Completed ] BOOK 1Where stories live. Discover now