Chapter 1

1 0 0
                                    


"Tin! Yosi jan. Isa lang oh."

"Hoy! Gagi ka wala na nga eh. Kita mo wala ng laman. Pabili ka don sa manliligaw mo."

"Tsk wala ngang pera yon. Naubos kagabi sa inuman."

"Eh paano pabida nanaman. Kaya ng libre ng batalyon?"

"Ano pa nga ba, ogag din kase, tatlong libo din yon, waley na. Pahiram lighter" inabot sakin ni Tinti ang lighter at sumindi ako sa nag iisang lights na Marlboro. Tinnity Blare ang buong pangalang nya, at ayaw na tinatawag doon dahil masyado daw babae, siga eto at isa sa mga barkada ko.

"Hoy Blossom akala ko ba wala kang yosi, bat meron ka? Pa hits nga isa lang."

"Gagi lights to, hindi Pula. Tsaka wag mo ako matawag tawag na blossom, pag iyan marinig, susuntukin kita." Inabot ko sa kanya ang yosi.

"Oo na Hade, kahit kilan talaga ayuko sa lights, mas masarap iyong pula." Balik nya sakin ng sigarilyo.

"Mas masarap iyong menthol, oh di kaya vape"

"Aba yaman ka te? Wala ngang pang hits, vape pa kaya" tinawanan ko sya at inubos ang stick.

"Sabagay mayaman kayo, ikaw lang hindi" malakas nyang tawa.

Andito kami sa open area ng billiards na pag mamay ari nila Hamer, nagpapalipas ng oras. Isa sa mga barkada ko.

"Hoy Blossom Hadel lumiban kananaman sa klase nyo! Isusumbong kita sa kuya mo. Nagyoyosi ka nanaman." Bigla kong tinapon ang stick ng yosi at nag punas ng labi.

"Hala ate Mint kay Tin iyon kunti nalang, last na iyon, tsaka may pinagawa si ma'am na report, ini research lang namin ngayon." Si Mint ay best friend ng kuya kong si Johndy na nasa College na.

"Aba mga ening tigiltigilan nyo iyang pagyoyosi nyo ah, grade ten palang kayo ha."

"Pag malaman kong lumiban ka Blossom isusumbong kita sa kuya Johndy mo"dagdag nya at tumalikod sa amin papasok sa kanilang bahay. Karugtong netong bilyaran ay bahay nila Hamer at si ate Mint ay matandang kapatid ni Hamer.

Nagkangisihan kami ni Tinti at tumakbo na pupuntang eskwelahan bago pa kami masumbong.

Sampong minutong lakad bago makarating ng school.

"Magsusumbong iyon sa kuya Johndy mo panigurado, Hade."

"Ayos lang iyon, kunting lambing lang kay kuya, Di ako matitiis non" taas ko ng kilay sakanya na ikina ngise nya.

"Sabagay, buti nalang hindi close sila kuya at si ate Mint, kong nagkataon patay talaga ako kay mommy at daddy." Tinampal ko sya at humalakhak kami bago hinanap ang ID para sa gate pass ng school.

"amoy yosi nanaman kayo, gusto nyo talaga isumbong ko kayo no? Kababae nyong tao naninigarilyo. Mga High school pa nga lang kayo. Ikaw Blossom ayusin mo yang uniform mo ibutunes mo iyan. Last nyo na eto. Di ko na kayo papasukin sa susunod." Maamo kaming tumango ni Tinti at tumakbo sa cr.

"Shit! Hade may candy ka?" Kinapa nya ang bulsa at bag ko para manghaluhog ng candy. Ng may makita, kinuha nya at sinubo. Kumuha din ako ng vefresh at nginuya.

"Nakalimutan ko mag candy. Asar kase si ate Mint eh."

"Hayaan mo na, next time wag mong kalimutan" halakhak ko sakanya habang nakaharap kami pareho sa salamin.

Humarap ako sa salamin at binutones ang dalawang nasa taasng aking uniform, pero nag tira ako sa pinaka una dahil mainit. Inayos ko ang magulo kong buhok na hanggang bewang at naglagay ng hair clip para hindi magulo.

Maputla ang labi ko kaya kinagat ko eto upang mamula. Lumingon ako kay Tinti na naglalagay ng lipstick sa labi na kulay pula.

"Sisitahin ka ni ma'am niyan Tin, pag recess kanalang maglagay nyan."

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Aug 11, 2020 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

Cousin Series #1 Flower's Bloomजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें