"Ok ba?"

"Yah it feels good"

"Galing ko noh?"

"Oo pwede ka ng maging ambularyo HAHHAA"

"Alam ang epal mo" pag mamaktol ko sa kanya.

"Alam mo ang epal mo" pang gagaya niya sa akin. Minasahe ko nalamang ang ulo niya hanggang sa makatulog na si Cass. Hapon narin kaya umuwi na ako. Nag iwan nalang ako ng note na idinikit ko sa lamp ni Cass bago umalis.

"Anak saan ka ba pumunta?"

"Hmp kay Cass po may sakit daw"

"Eh? Ayos na ba?"

"Medyo daw po" umakyat na ako sa kwarto para mag bihis. Ngayon ko lang napansin na sa sobrang pag mamadali ko kanina ay hindi na ako nakapag palit ng damit buti na lamang at mabango pa.
Pagkatapos maligo ay bumaba na ako para sa dinner.

"Chared penge"

"Aken to, ayun yung sayo" turo ni chared sa salad.

"Eh pero graham gusto ko" patuloy lang ako sa pag hingi sa kapatid ko ng biglang nag ring ang phone ko.

"Sagutin ko lang toh mom, oy tirhan moko niyan ah" dali dali akong tumayo at pumuntang labas para sagutin ang tawag.Si cass naman pla ang tumatawag.

"Hello?"

"Isaac?"

"Baby?, ok ka na ba?"

"Umalis kana pala, sorry ah nakatulog na, ang sarap kase sa feeling nung masahe mo eh"

"Ganun talaga pero di ako ambularyo ha HAHAHHAHA"

"Thankyou"

"Wala yun, kakain ka ha? Uubusin mo dapat yung pagkain mo,yung gamot mo inumin mo, uminom ka lageng tubig, tapos paminsan minsan amuyin mo yung katinko"

"Opo daddy HAHAHAH"

"Daddy ka diyan HAHAHA, hmpp Cass btw"

"Ano yun?"

"Pede bang,hmp ano lumabas ako bukas bibili ako ng regalo kay tita,gusto sana kitang isama kaso may sakit ka"

"Oo naman"

"Talaga?"

"Oo"

"Cge, so bye na, kakain ka ha! Kelangan ubos yun"

"Yess poo byee"

"Bye" pinatay na ni Cass ang tawag.Pero bago pumasok sa loob tinext ko muna si tita Chariz na tita sumbong niyo sa akin kung di inubos ni Cass yung pagkain niya ah .Pumasok na ako sa loob para ipag patuloy ang pagkain.

"Sinong tumawag?"

"Si Cass po dad"

"Ehh maayos na ba siya?"

"Hindi pa daw po pero hindi na ganoong kasakit yung ulo niya katulad kanina"

"Thats good" hindi na kami umimik pa at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Nag toothbrush at half bath lang ako at natulog na rin.

Kinabukasan pag sapit ng tanghali ay pumunta na akong mall. Bumili lang ako ng kwintas at earings para ipangregalo at umuwi na rin. Naisipan ko ding dumaan kila Cass bago umuwi para icheck kung ayos na siya.Dumaan muna ako sa isang flower shop para bumili ng rose,pastel colors.Pinabalot at binayadan ko lang ito at pinaharurot na nag kotse papunta sa bahay nila.Kagaya noong nakaraan yung katulong na naman nila yung nag bukas ng gate.

"Asa salas si Cass,lika pasok" pumasok na ako dala dala yung flower.

"Cass anak may bisita ka" si ate min(katulong nila Cass). Nanatili akong nasa labas ng bahay.

"Sino po" pag kasabi niya nun ay pumasok na ako.

"Di ka manlang nag sabi"

"Surprise HAHAHHA" inabot ko sa kanya ang rosas at saka umupo sa tabi niya.

"Ok kana?"

"Oo pero nahihirapan akong huminga minsan"

"Wag ka kasing patayo tayo"

"Wait lang lalagay ko lang toh sa vase" akmang tatayo siya pero pinigilan ko.

"Kakasabi lang eh" di parin siya umupo.Sa halip ay gumapang siya papuntang vase.

"Anong ginagawa mo Cass?"

"Nagapang sabi mo wag akong tatayo"

"Sus ginoo, balik dito ako na maglalagay" kinuha ko ang bulaklak at saka nilagay sa vase. Nang makalapit sa vase ay napangiti nalang ako. Nakalagay lahat ng bulaklak na binigay ko sa kanya ng nagdaang araw. Ang ibay lanta na pero di niya tinatapon.Ngunit nag katabing picture frame ay mas nakaagaw ng pansin ko.Naka lagay dito ang picture naming dalawa.

Hindi na din ako nag tagal sa bahay nila Cass at umuwi na rin.

Susunod.   .   .
Don't forget to vote thankyou💕

Pagtingin (published)Where stories live. Discover now