Chap 22

6 1 0
                                    




Isaac's pov

"Ikaw naman kase eh" sabi ko kay Cass habang pinupunasan ang kanyang braso ng mainit na panyo na ibinabad sa mainit na tubig.

"Sorry na, hindi ko naman kase alam na mag kaka sakit ako eh, bigla nalang, pag kagising ko masama na pakiramdam ko"

"Alam mo ba kulang nalang bilhin ko yung buong drug store sa sobrang pag aalala sayo" sabi ko na ikinatawa niya.

"Kaya pala naputol na yung tawag akala ko pa naman mahina signal mo"

"Hindi ah,pero kung kaninang umaga kapa nagkasakit ngangayon mo lang sinabi"

"Lalo kaseng nanakit ulo ko kapag nag phophone eh"

"Sabi ko nga, eh kainin mo na to, malamig na, para makainom ka na din ng gamot" turo ko sa lugaw na nilapag ng katulong nila sa may table.

"Oops pa saan ka? Bawal tumayo mag pahinga ka" pigil ko sa kanya. Tatayo pa eh alam na may sakit.

"Kukuhain ko lang yung table"

"Ako na, ako na rin mag papakain sayo,wag ka lang mahirapan, gustuhin ko mang ako na rin ang ngumuya ng kakainin mo para lulunukin mo nalang ay hindi naman pwede"

"HAHAHAH ang oa mo" sabi niya sabay kurot sa ilong ko.

"Ahh"

"Ahh"

"Ahh-tdog HAHAHAH"

"Ako na nga!"

"Eto naman joke lang yun eh"

"Ok HAHAHHA"

"Baby"

"Hmp?"

"Dba dati sinabi ko na kapag na abot mo yung ring may regalo ako sayo"

"Ahh oo"

"Dala ko na ngayon yung regalo, mamaya ko ibibigay pag katapos kong kumain"

"Talaga?" Tango nalang ang sinagot ko.Hindi ko na siya dinaldal para naman makakain ng ayos. Pero wala pang kalahati umayaw na.

"Ayaw ko na talaga" pag tutol ni Cass.

"Tatlo nalang oh"

"Pero busog n- ayshno ba" sabi niya na punong puno ang bibig.

"Kailangan mong pilitin, hindi ka gagaling kung hindi ka uminom ng gamot kapag hindi ka makaka inom ng gamot kung hindi ka kumakain, kapag hindi ka kumain mamamayat ka, kapag namayat ka mag kakasakit ka lalo, kapag nagkasaki-"

"Aray naman" nilapag ko muna ang mangkok sa table at saka hinimas ang aking braso na pinalo niya.

"Masyado kang advance mag isip alam mo yun?"

"Mabuti na yung advance, nang dahil diyan uubusin mo to" hindi na siya nakatanggi dahil sa kulit kong ipilit na ubusin niya ang pagkain. Pina inom ko na siya ng gamot.

"Ayos na ba pakiramdam mo? Nabawasan ang sakit? Nadagdagan?"

"Nabawasan naman kaso masakit parin eh"

"Saan banda?"

"Masakit ang ulo" tinuro niya pa ito.

"Alam mo mas masakit kapag walang ulo"

"Alam mo kahit kelan ang puny-"

"Hep hep bawal mag mura"

"Wait lang"lumapit ako sa paper bag na dala ko kanina.Kinuha ko yung  katinko na binili ko.

"Ihiga mo ulo mo sa binti ko"

"Why?"

"Imamasahe ko lang, sabi ni mommy kapag minamasahe yung ulo tapos nilagyan ng katinko nababawasan yung sakit" hiniga niya ang ulo niya sa hita ko kagaya ng sinabi ko sa kanya.Nag simula na akong masehihin ang kanyang ulo.

Pagtingin (published)Where stories live. Discover now