"Oh thanks." Nilabas ni Jelly ang cellphone niya at tumunog ang cellphone ni Zia.

"Para may balita siya sa atin," paliwanag ni Jelly na tinanguan ko.

Inabot niya sa akin ang isa at agad ko iyong inilagay sa aking kanang tenga.

Humigpit ang hawak ko sa handle ng palakol ng magsimula kaming maglakad ni Jelly patungo sa entrance ng hospital.

"Wait." Pigil ni Jelly sa aking braso.

"Where's the fire exit?" tanong nito na palingon-lingon sa kabuuan ng hospital.

"Nasa likod iyon. Bakit?"

"Mas ligtas siguro kung doon tayo dadaan. Diretso na tayo sa hagdan. Kapag dito sa entrance ay dadaan pa tayo ng pasilyo."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at naunang lumakad patungo sa parking lot ng hospital.

Ako ang nasa unahan niya habang nakasunod lamang siya sa akin.

Binuksan ni Jelly ang flashlight nang makapasok kami sa parking lot.

Sumalubong sa'min ang malansa at nakasusulasok na amoy ng dugo. Tinakpan ko ang aking bibig dahil pakiramdam ko ay nais bumalik ng lahat ng kinain ko mula kahapon. Ganoon rin si Jelly na narinig ko pa ang pag duwal.

Napahinto kami sa paglalakad ng makarinig kami ng kaluskos sa kumpulan ng mga kotse. Nagtabi kaming dalawa  at bahagyang itinaas ni Jelly ang hawak na palakol at ganoon rin ang aking ginawa.

"Let's go," anas ni Jelly at dahan-dahan muli kaming lumakad at pinakikiramdaman ang paligid.

Muli kaming napahinto sa paglalakad ng may isang angil kaming narinig mula ulit sa kumpulan ng kotse.

Pinasingkit ko aking mata upang mas makita ng malinaw ang pwesto na iyon.

Madilim sa bandang iyon ng mga kotse at nang tanglawan ni Jelly ng flashlight iyon ay bumungad sa amin ang limang zombies.

"ARGH!" angil ng mga zombie at nagtakbuhan ang mga ito palayo dahil sa liwanag.

"Alam ko na kung saan naglalagi ang mga zombie," bulong ni Jelly na nagpakunot ng aking noo.
"We need to be more careful. Delikado tayo rito," dagdag nito na nakuha ko ang ibig-sabihin. Humugot ako nang malalim na paghinga at pinuno ng determinasyon ang dibdib.

Lumakad na muli kami patungo sa pinto ng fire exit dito sa parking lot. Walang pagdadalawang isip na  pinihit ko ang doorknob at agad na bumukas ang pinto.

Itinutok agad ni Jelly ang flashlight sa hagdan at saka kami mabilis at maingat na umakyat.

"Anong floor ba yung pupuntahan natin?" Hinihingal na tanong ni Jelly habang nakatingin sa numerong nakasulat sa pinto. Number 7 ang naroon at ibig sabihin ay nasa seventh floor palang kami.  Nakahawak sa isang tuhod niya si Jelly at abot ang habol ng pag hininga.

"Nineth floor. Malapit na tayo," saad ko na habol rin ang aking hininga. Daig ko pa ang tumakbo ng dalawang oras. Nanginginig na rin ang binti ko dahil nasanay ako na elevator ang ginagamit dito sa hospital.

"Buti pa si Zia pakain-kain na lang sa kotse," saad ni Jelly kaya nilingon ko siya.

Nakakabit na sa tenga niya ang earphone at mukhang naririnig niya mula roon ang pagnguya ni Zia.

Inayos ko ang pagkakalagay ng earphone sa aking tenga at pinakinggan ang kabilang linya.

Napairap na lang ako ng marinig nga mula sa kabilang linya ang lutong ng pagnguya ni Zia sa kinakain.

"Tara na," aya ko na lang at tumuloy na sa pag-akyat muli sa hagdan.

"SHIT!" mura ko nung may matapakan akong malambot na bagay.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now