10

49 3 0
                                    

Nagising ako sa mga bisig ni Kuya at nasa kalagitnaan na kami ng hagdan patungo sa second floor ng bahay.

"Bakit hindi mo na lang ako ginising Kuya?" Tanong ko dito at kumapit sa may balikat nito.

"You were sleeping like a baby, hindi mo nga namalayan na kumain kami ni Dad sa sasakyan at nakarating na tayo sa bahay."

"Si Dad?"

"Sa sala, nagsusumbong kay Mama." Sabi nito at napailing.

Hinayaan ko na itong buhatin ako hanggang ipahiga ako nito sa kama ko.

"Thanks, Kuya." Sabi ko at humalik sa pisngi nito.

"Kami pa rin ni Dad ang first love mo Princess ah, para pag nagbreak kayo ng boyfriend mo may matatakbuhan ka."

Napasimangot naman ako dito.

"Di ko nga siya boyfriend Kuya, at saka, babalik naman ako eh, sasamahan ko lang pansamantala kasi nga mag-isa yung tao." Paliwanag ko dito.

"Pwede naman siya na lang ang pumunta dito eh."

"Kuya, hindi niya pwedeng iwanan yung bahay nila, at may mga pusa sila remember? Bawal ka sa pusa diba?"

Nagpout na naman ito pero ngumiti din ito ng matamis.

"Bata ka pa Princess ah, pero andito naman kami para suportahan ka at gabayan ka." Napangiti na din ako dito.

"Uunahan mo pa ako magkalovelife." Sabi nito at nagpout ulit kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong batukan ito.

"Itigil mo na Kuya, baka totohanin ko yan."

"Kahit naman itigil ko, totohanin mo pa din eh."

Napairap na lang ako sa kanya kapagkuwan ay nagpaalam na ito at pinagpapahinga ako.

Sapat na ang naging tulog ko sa sasakyan kaya inilabas ko ang phone ko at tinawagan si Dwayne habang nakahiga ako sa kama.

"Kamusta ka na?" Tanong ko dito.

"Kumain na ako ng dinner, napakain ko na din yung mga pusa." Mukhang nasanay na talaga ito sa akin, dahil tuwing kakamustahin ko ito, binabanggit nito ang mga ginawa nito sa araw na iyon. Yup, nagrereport siya sa akin.

"Good to hear, ano ng ginagawa mo ngayon?"

"Pinipilit kong makatulog, hindi ako nakatulog kagabi, sorry." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit di mo sinabi kaninang umaga noong tumawag ako?" Tanong ko dito.

"Baka pagalitan mo ako eh." Sabi nito at hinala kong nakanguso ito, ikaw ba namang parating may nagpopout sa harapan mo, malalaman mo na talaga kung nakanguso ang isang tao kahit hindi mo ito nakikita.

"Hay, sige na matulog ka na."

"Kantahan mo ako?" Parang hindi sigurado nitong sabi sa akin. Ngayon lang kasi ito nagdemand. Kung demand ang tawag doon.

"Sige, kakantahan kita." May boses naman ako, hindi ko lang ginagamit kasi hindi naman ganoon kaganda pero hindi naman ako sintunado, tamang mediocre lang.

"Across the ocean, across the sea,
Starting to forget the way you look at me now
Over the mountains, across the sky,
Need to see your face, I need to look in your eyes"

Kinanta ko ang kantang unang pumasok sa utak ko. Be Alright ni Justin Bieber, yung title din kasi.

"Through the storm and through the clouds
Bumps on the road and upside down now
I know it's hard, babe, to sleep at night
Don't you worry
'cause everything's gonna be alright, ai-ai-ai-aight
Be alright, ai-ai-ai-aight

Through the sorrow, and the fights,
Don't you worry
'cause everything's gonna be alright, ai-ai-ai-aight
Be alright, ai-ai-ai-aight"

A Pandemic Love Story- COMPLETEDWhere stories live. Discover now