Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 3

43.7K 4.2K 3.3K
                                    

Chapter 3

Fell

I am now starting to like the twist of our story.

Humilig ako sa balikat ni Seiji at nagkunwaring marami nang nainom. But that didn't work on him, because he immediately stood up and looked for a place to escape. Namumula ang mukha niya habang lumilingon siya sa direksyon kung saan ba dapat siya pumunta.

"Where are you going?"

Hindi siya sumagot sa akin, sa halip ay umalis na siya sa lamesa. Kulang na nga lang ay tumakbo siya.

Naningkit iyong mga mata ko habang nakahabol ng tingin sa kanya. Ah, hindi kita titigilan bago ako umuwing Pilipinas.

Tumatawa lang iyong apat na hapon habang si Akio, kanina pang umuusok ang ilong. Pero wala siyang nagawa nang tumabi ako kanina kay Seiji.

Pumangalumbaba muli ako sa lamesa.

It was all that happened when the Japanese started to invade the Philippines. Ilang taon na ang lumipas at ngayong nagkrus nang muli ang aming landas ni Seiji. Well, my reincarnation is quite good pa rin naman dahil nasisiguro kong sexy ako noon at ngayon. In case of Seiji, his reincarnation is accurate rin for sure. Hindi naman siya mababaril agad kundi siya payat at parang isang hampas ng tubo sa ulo.

May naudlot nga siguro kaming pag-iibigan at itutuloy namin.

He's too head over heels for me, that he forgot his own mission. Babarilin niya na dapat ang buong pamilya ko, pero dahil nakita niya ako, nabitiwan niya iyong baril niya.

It was a love at first sight. Kaya ganito siguro ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. Matagal na kaming nagmamahalan simula pa lang noong panahon ng pananakop ng mga hapon. Pero dahil sobrang payat niya rin at hindi masyadong magaling bumaril, nabaril siya sa likuran. That ended our tragic love story.

Kaya rin siguro puro gun games iyong nilalaro niya, dahil sundalo siya nung panahon ng mga hapon. Kaso lagi siyang talo nung sinisilip ko ang nilalaro niya. Kaya hindi na nga ako magtataka na madali siyang nabaril nung panahong unang nahulog siya sa alindog ko.

Oh, gosh.

Halos mapatalon ako sa aking upuan habang tinatapik ang dalawang pisngi ko. This is so exciting!

Sinasabi ko na. Kung hindi ako maganda at sexy na artista ngayon, isa akong historian o kaya ay writer.

Hindi man lang siya nakahalik sa akin noong unang panahon. That's why I'll allow him to kiss me this time.

Muli akong sumulyap sa likuran niya na unti-unting nang nawawala dahil sa pagtatago. "He's just shy and too overwhelmed that we met again after so many years."

I looked at my pinky. I could see our red thread connected to each other.

"Akio, believe me. We are lovers in our past life. Si Seiji iyong sundalo na tumigil sa pagbaril sa atin, because he fell in love with me."

Umawang ang bibig ni Akio at halos hindi maipinta ang mukha niya. "A-Are you drunk? Ano'ng pinagsasasabi mo?"

"No way." Umirap ako sa kanya.

Lumingon ako sa mga kaibigan ni Seiji at naningkit ang mga mata ko sa kanila. "I know, isa sa kanila ang bumaril kay Seiji, because they are also interested with me!"

Humarap si Ryuu kay Akio at may sinabing hindi ko naiintindihan.

"Gomen. Omo, ikimasho," sabi ni Akio na tumayo at hinawakan ang braso ko.

The Japanese boys nodded at him, ngumiti pa nga sila sa akin. Umirap ako. Hindi ko man maalala, alam kong isa sa kanila ang bumaril kay Seiji!

"Where are we going, Akio? Hindi pa bumabalik si Seiji."

Island Trap (Book 1 of Trap Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon