*** ***

Nagising ako dahil sa hindi pamilyar na kwarto at kapaligiran.

Ang simoy ng hangin at huni ng mga hayop sa labas na naririnig ko ay hindi rin pamilyar. Bumangon ako at hinila pataas ang itim na kurtina na nakaharang sa bintana para makita ang buong paligid.

Nahigit ko ang hininga nang makitang nasa isang malawak na isla ako.

Napa nganga ako at pilit na inalala ang nangyari kagabi pagka tapos kong umiyak sa kwarto niya ay nag tungo na ako kwarto ko at doon nakatulog.

Wala naman akong naalalang lumabas ako para umalis hindi din naman ako nag lalakad ng tulog at nas lalong hindi ko kayang sumakay ng barko o mag palipad ng eroplano habang tulog.

Tingin ko ay malayo sa kabihasnan ang lugar kung nasaan ako ngayon dahil wala akong nakikitang ibang bahay o tao sa paligid, tanging buhangin at asul na karagatan lang ang natatanaw ko.

"Your awake"

Napalingon ako sa likuran ko at agad na nag init ang mukha ko nang makitang wala siyang pang itaas na damit at tumutulo ang ilang butil ng tubig galing sa katawan niya na pinupunasan ng towel niya na naka sabit sa kaliwang balikat niya.

Bumaba ang tingin ko sa katawan niya at paulit-ulit na napa lunok ng muling makita ang malapad niyang dibdib at ang abs niya na parang iniimbitahan akong haplusin. Naka tapis lang siya ng puting towel sa bewang at hindi ko alam kung may panloob ba siyang suot.

Napa kurap kurap ako ng lumapit ito sakin at isara ang bibig ko at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Tulo laway mo"

Nahihiyang pinunasan ko ang gilid na bibig ko napa nguso ako ng wala naman akong nakapa.

"Damn your so cute"

Ngiting sambit niya habang pinupunasan ang basang buhok gamit ang towel na naka lagay sa balikat nya.

Muli kong inilibot ang tingin ko sa paligid at hindi parin nawawala ang pagtataka ko.

"Bakit tayo nandito?"

Nag kibit balikat lang ito bago dumapa sa kama, napa kunot ang noo ko habang nakatingin sakanya.

"I need body massage, masakit ang mga muscles ko, please?"

"Bakit ano bang ginawa mo?"

Nag kibit balikat lang ito
Nagtatakang lumapit ako at tinitigan sya. Matamis lang syang ngumiti na parang walang nangyari sa pagitan namin kagabi.

"Calvin.."

"Hmm?"

"H-hindi kana ba galit sakin?"

"I want to but i can't"

"Bakit tayo nandito? Sila lola at lolo Baka mag alala sila satin"

"Shh.. Trust me"

Bumuntong hininga ako at marahang minamasahe ang balikat nya at likod.
Umungol naman ito na parang nagustuhan ang ginawa ko.

"Ano ba talagang dahilan, bakit nandito tayo?"

Tanong ko maka lipas ang ilang minutong tahimik parin sya. Sa halip na sumagot ay pumikit lang sya at ninamnam ang pagmamasahe ko.

"Harder"

Utos niya.

"Calvin, baby please answer me"

Dinig ko na nag pakawala ito ng malalim na buntong hininga.

"Ayokong mawala ka sakin.."

"Ha?"

DominatedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang