Chapter 6

3.7K 210 9
                                    

Tahimik na Binabagtas namin ang daan pauwi, tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Bumalik na siya ulit sa dating siya na hindi man lang ako matapunan ng tingin
Paulit-ulit na din akong humihingi ng pasensya sa kaniya dahil sa hindi ko agad sinabi sa kaniya na galing kay ace ang kwintas na pinag simulan ng away namin at nag sinungaling pa ako sa kaniya na sinabi kong galing iyon sa kaklase ko.

Ayaw ko lang naman siyang magalit pag nalaman niya, pero mas lumala pa yata
Walang imik siya sa buong byahe hanggang sa maka uwi na kami.

Laglag ang balikat ko nang makababa dahil na kaya niyang tiisin na hindi ako pansinin buong byahe.

Agad kaming sinalubong ng mga katulong at tinulungan akong mag bitbit ng mga gamit namin dahil nauna na siyang pumasok sa loob.

"Kumusta ang pag re-relax niyo iha? Nakapag enjoy ba kayo?"

"O-opo manang sobra"

"Ganun ba.Abay mabuti naman!
Hala sige, lumasok kana sa loob kami nang bahala rito sa mga gamit niyo at kanina pa nila kayo Hinihintay."

Nagtataka man ay sinunod ko ang sinabi nito, pagpasok ko ay agad namilog ang mata ko at gumuhit ang matamis na ngiti sa aking mga labi.

"Mom! Dad!"

Agad na bumuka ang mga bisig ng mga ito at sinugod akong ng isang mahigpit na yakap, sobrang na miss ko silang dalawa dahil dalawang buwan din silang wala dito saamin dahil sa business proposal nila sa Australia.

"Surprise!"

Sabay na wika ng mga ito at Sabay din akong hinalikan sa mag kabilang pisge.

"May pasalubong kami ng dad mo.."

Saad ni mommy at Inaya ako papunta sa garahe, naluha ako nang tumambad saakin ang bagong bago BMW car na kulay Black may ribbon pang naka palibot dito kaya nalalaman mong bagong bago talaga ito.

Nangingintab pa ito nang masinagan ng araw at nag susumigaw sa kamahalan ng presyo, umiiyak akong yumakap kay mommy at daddy dahil matagal ko nang pangarap ito.

"Mom, dad, How did you know it?"

Hindi naman ako nag sasabi nang mga bagay na gusto ko, kaya paano nila ito nalaman?

"You're mom read your diary, That's why we know."

Simpleng sagot ni daddy kaya lalo akong napaiyak, talagang nag effort pa sila basahin iyon pag kaka tanda niya ay nasa pinaka dulo niya iyon nasulat.

"Ang selfish mo kasi e.. Hindi mo pinapaalam ang mga gusto mo,kaya we decide na paki alaman ang mga gamit mo nag babakasakali na may mahanap na information, And we right! We found your diary."

Kumikindat na sabi ni mommy habang pinupunasan ang luha ko.

"P-pero ang mahal po nito"

Nakangiting lumapit si Mommy at hinawi ang buhok ko at isinukbit sa tenga ko.

"Barya lang yan sa daddy mo.."

Bulong nito sa saakin as if naman na hindi narinig ng dady ko, tumawa si daddy at hinila na kaming dalawa ni mommy papasok ng mansion.

"We have visitors nga pala."

Saad ni mom nang makapasok kami at nang makita ang pigurang papasok
Nakipag ngitian pa ito saamin at niyakap din ako nang mahigpit, sobrang close niya kami nila kuya lalo na ang parents namin.

"Tito Alfred"

"Aw.. Kay ganda naman ng Inaanak ko.. Noon sobrang bulinggit mo pa.."

"Siyempre tito mana sayo.."

DominatedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin