Nakangiting bati nito saakin bago ibinaling ang atensyon kila mommy at daddy. Si tito Alfred ay isang magaling na doctor at kababata ng magulang ko kaya alam naming mapag kakatiwalaan ito.

Sila pala ang dahilan kung bakit na kami umuwi, nawala ang ngiti ko nang biglang may sumagi sa isipan ko.

Ang anak ni tito.

"Nandito narin kaya siya?"

Agad na hinagilap ng mata ko ang lalaking nag papatibok ng puso ko, nahanap ko naman ito at mas lalo akong nalungkot at nawalan ng gana nang matagpuan ko siyang papalapit din saamin pero hindi siya nag iisa may naka pulupot sa braso niya at naka pulupot din ang mga bisig niya sa bewang nito.

Kasama niya ang anak ni tito Alfred na babae, ang babaeng unang nag patibok ng puso niya.

Ang Babaeng Minahal niya ng sobra.

Si ate Nicole.

My kuya Calvin' first love...

Pilit na nilulunok ko ang kinakain ko
Kahit masarap naman ang pag kakaluto pero nawalan ata ako nang panlasa dahil sa dalawang nasa harap ko, halata mo ang pag kamis nila sa isa't isa dahil sa mga tinginan nila.

Balita ko wala nang komunikasyon si kuya kay ate Nicole simula ng pumunta ito sa Amerika para sa pag-aaral nito.

Kaya paanong okay parin sila?

Sila parin ba?

Nasaksihan ko kung paano nalungkot si kuya nang umalis si ate papunta ng Amerika para mag pakabihasa ng pagiging designer at unahin ang career niya kaysa sa relasyon nilang dalawa.

Ganon niya ba ito ka mahal at handa siyang mag paka tanga para rito?

Pero paano yung nangyari doon sa Palawan?

Wala lang ba iyon sa kaniya?

Pati ba ako na sarili niyang kapatid pinaglalaruan niya?

"Honey.. Try this one."

Mahinhing tawag nito kay kuya at inuumang ang kutsarang may lamang kanin at pork adobo, masaya niya naman yung isunubo mahinhin namang pinunasan ng babae ang naiwang sause sa gilid ng labi niya.

Napa higpit ang hawak ko sa kubyertos at sunod-sunod na sumubo ng pagkain at sinusubukang ituon ang atensyon sa masarap na pagkain sa harap ko.

Akala mo totoong mahinhin
Pero pag kami lang dalawa demonyita pa sa demonyita, pwe!

Kung ano anong masasakit na salita ang Ipinupukol saakin, simula nang maging sila ni kuya ay ayaw na niya talaga saakin.

Hindi ko alam kung bakit dapat nga ay maging mabait siya saakin at mag palakas para matulungan ko siya kay kuya dahil kapatid ako, Pero hindi eh hindi ko alam kung bakit.

"Kabataan nga naman.. Kailan ba ang kasal ninyo?"

Tanong ni tito Alfred at bahagyang tinapik tapik ang balikat ni kuya, napayuko ako nang mag kasalubong ang tingin namin ni kuya.

Blangko lang ang mukha nitong nakatingin saakin bago ibaling ulit ang atensyon kay tito.

"Soon"

Sagot nito at nginitian ang babaeng katabi
Nanghina ako dahil doon, So, may balak na sila?

Tahimik lang na Nakikinig sila mommy at daddy dahil noon pa man ay tutol na sila kay ate nicole pero dahil kababata nila si tito ay napilitan na lang silang sang -ayunan ang relasyon nila kuya.

"Paano ako?"

Gusto kong isigaw lahat ng mga katanungan sa isip ko pero hindi pwede dahil kung pareho man kami nang nararamdaman ay malaking kasalanan ang umibig sa sarili mong kapatid.

Baliw na siguro ako dahil hinayaan kong mahulog ako sa taong hindi ako kayang saluhin and worst, all of the people bakit sa kuya ko pa? Lintik na pag-ibig dahil talagang walang pinipili ito.

Habang kumakain ay nag uusap ang mga magulang namin at si tito tungkol sa business, habang ang dalawa naman ay Panay ang landian sa harap namin hindi ba nila alam ang salitang respeto.

Hindi ko naririnig kong ano ang pinag uusapan nila dahil parang sila lang ang nakakarinig niyon, feeling ko na a-out of place na ako dito dahil ako lang ang walang kausap.

Sobrang lapit ng mukha nila habang nag uusap, yung tipong isang tulak na lang ng isang daliri ay mag hahalikan na sila Nagulat ako ng bigla na lang halikan ng Haliparot si kuya sa labi.

Hindi iykn nakita nila mommy dahil may sarili silang pinag kakaabalahan, pa simple kong ikinuyom ang kamay ko at napa tiim bagang.

Napa tingala ako para pigilin ang ma paluha at huminga ng malalim, mabuti na lang ay nag ring ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa sa harap ko, kaya naputol ang halikan nila at napa tingin din sila mom doon.

Napalunok ako nang makitang si Ace ang caller, hindi pa alam nila mommy at daddy na may boyfriend na ako dahil nahigpit nila yung ipinag babawal.

Dahan-dahan akong lumingon sa mga magulang ko at napa kamot sa batok.

"Who's ACE?"

Naka kunot noo na tanong ni daddy.

"H-ha? Si.. Ano.. Ah... W-wala po"

Napangiwi ako ng kurutin ako ni mommy sa hita, dahilan para mapa tayo ako.

"Mommy naman e.. Wag ka ngang nangungurot."

"Wag mo kaming pinag lololoko Allison! Sino yang ACE na iyan?"

Seryosong tanong ni mommy kaya napa pikit ako at napakamot sa ulo, tahimik ang lahat na para bang hinihintay ang isasagot ko.

Nang dumilat ako ay pa simple akong napa tingin sa gawi ni kuya, kahit alam na niya na boyfriend ko si Ace ay parang nag hihintay pa din siya sa sagot ko.

Masama naman ang tingin saakin ng Empaktang katabi niya.

"Siguro nabitin sa Halikan nila!"

"Ano na?!"

Napatalon ako dahil sa sigaw ni mommy at tumigin kay daddy para sana humingi ng tulong pero tulad ni mommy ay seryoso lang itong nakatitig saakin, para tuloy ang nasa stage at nakatayo habang hinihintay ang gagawin kong talent.

Napabuntong hininga na lang ako
Alangan namang mag sinungaling pa ako
Alam ko namang wala akong takas sa kanila dahil kilala ako ni mommy kung nagsasabi ng to totoo o hindi.

"B-boyfriend ko po."

Napanganga sila at hindi nakaligtas saakin ang lungkot sa mata ng mga magulang ko
Siguro dahil ngayon ko lang sinabi sa kanila at inilihim ko ito, kaya sila malungkot.

"Oh,may iba pa?"

Nagawi ang tingin ko kay kuya na tahimik lang na nakikinig, may nakita akong dumaang sakit sa mga mata nito pero agad ding nawala.

"Oh, baka naman guni-guni ko lang?"

Nakangisi naman ang Empaktang babaeng katabi niya na para bang nanalo sa loto.
'Anyare?'

DominatedWhere stories live. Discover now