Malalim na ang gabi ngunit malakas pa rin ang hiyawan ng madla na sumasabay sa pagkanta at tugtugin ngayong gabi. Tulad ng mga manonood, kita sa mga kumikinang na mga mata ni Maru ang paghanga sa grupo na ito.
Balang-araw, pangarap niya ring makatungtong sa entablado na iyon.
Sa murang edad ni Maru, alam niya na ang pagsunod sa tatay niya bilang musikero ang pangarap niya.
Natapos ang kanta at nagsipalakpakan ang mga tao.
"Salamat!"
"AYOS LANG BA KAYO JAN?" hiyaw ang isinagot ng mga tao sa tanong ng bokalista.
"We're happy to know that you all are enjoying the night." dagdag pa ng isa.
"Para sa susunod na kanta, si Manuel ang mangha-harana." mas lumakas pa ang hiyawan ng mga tao dahil dito.
"Isang masigabong palakpakan naman jan!"
Maru cannot contain his excitement from what he heard. Tumakbo ito papunta ng kusina at hinatak ang bestida ng kanyang ina.
"Mama! Mama! Si papa kakanta!"
"This... is my first time singing this song at sana'y magustuhan ninyo." rinig nilang dalawa mula sa telebisyon ang pagstrum ng gitara nito. Sunod ang iba pang mga instrumento, unti-unting nabubuo ang ang panimula ng kanta na nagdudulot ng kasabikan sa lahat.
Pinutol ng alarm clock ang mahimbing na tulog niya. Alas syete na ng gabi nang magising ito.
"Maru! Bangon na at may naghihintay sa'yo sa harap. Aba't-- anak ka talaga ng tatay mo. Kakalinis ko lang kanina at marumi na naman dito sa kwarto mo."
Pagkaupo nito sa kama ay humarap ito sa kanyang ina na nakasandal sa pintuan. Napukaw ng kanyang mga mata ang gitarang bigay ng kanyang tatay.
Napansin ng kanyang ina ang pagtitig nito sa gitara, "Kailan ka nga ulit huling tumugtog?"
"Ma..." Sinubukan niyang pagtigilin ang ina.
"Ayaw kitang nakikitang ganyan. Baka multuhin ka ng tatay mo, sige ka." Dalawang taon na ng pumanaw ang tatay ni Maru. Mula ng magkasakit ito, ay hindi na niya nagawang tumugtog. Lalo't ngayon na wala na ang tinuring niyang idolo sa musika.
Maliban ngayon.
Susubukan ulit niyang tumugtog.
Hindi naman sa lahat ng oras kaya niyang iwasan.
"Kailangan kong humanap ng trabaho na mas malaki laki ang sweldo para tulungan kayo sa gastusin." At ang pagtugtog ay ang sa tingin niyang hindi angkop dito.
"Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko at--"
Ayaw niyang makipagtalo at nilagpasan nalang ang ina. Dumiretso nalang siya sa lababo ng kusina upang maghilamos.
"Kuya poki, kuya poki." tuloy pa rin sa sisipilyo ang binata nang lingunin niya ang bulilit na hanggang tuhod lang niya.
"Sama ako ah." Suot nito ang medyo kalakihang sapatos niya na tila ba handa ng umarangkada.
Tinapos na ni Manuel ang kanyang pagsesepilyo at inabot naman ang sepilyo ni Patris.
"Ikaw naman ang magsepilyo. Kain ka ng kain ng tsokolate mauubos 'yang mga ngipin mo."
"Sabi mo nu-nung nakrawaan, pwede na kong sumama sa ninyo ng tlopa."
"Pero ang mga bata diba dapat natutulog ng maaga?" Lumihod ito upang mapantayan ang taas ng bulilit.
Sumimangot naman si Patris. Nahalata ang sinusubukang gawin ng kanyang kuya.
"Sige ka. Kakainin ka ng mga mumumonsters sa baba ng higaan mo ang lusog mo pa naman." sabi niya sabay kurot sa pisngi ni Patris.
YOU ARE READING
Busted
General FictionEver have a girl that got stuck in your mind? Meet Maru and Jaci as music let their lives collide.
