"Pero tito," alalang sambit ni Andy matapos ang ilang saglit ng tila bulong na pagsasalita doon.

Inipit niya na muna ang telepono upang mapanatili ang pakikinig sa mga ito habang isinuot niya ang kanyang salawal.

"Andy! Hey Andy!" Mabilisan niyang papansin dito nang mapagtanto ang nangyayari.

"Kuya I gotta go," bulong nitong saad.

"Andy, what hospital is he in?" Malakas niyang bulalas nang mabatid na ibaba na nito ang telepono.

"Later kuya," tanging sambit ng pinsang bago magbusy tone.

"Shit!" Napatitig na lamang siya sa hawak pagkatapos ay itinuon na ang pansin sa pagbibihis.

"Dydy, bakit?" sambit ni Rosaly, napakapit na lamang ito sa kumot upang itakip sa sarili.

Halata ang gulat nito nang makita ang pagmamadai ni Andrew sa pagsusuot ng damit.

"I gotta go," baling niya na lang sa dalaga nang mapaupo sa kama para maisuot na ang kanyang sapatos.

Dali-dali naman lumapit ang dalaga sa kanya, pagkatapos ay buong ingat nitong hinawakan ang kanyang balikat. "Anong problema?"

"My sons in the hospital right now," hangos niyang sambit dahil sa hindi pa rin siya kumakalma ng mga oras na iyon.


"Sa...sasamahan na kita," bulalas ng dalaga dahil sa tila pagkahawa sa taranta niya.

"Hurry up then," usal niya na lang dito habang hinahanap ang kanyang pang-itaas.


Dali-dali naman kumilos ang dalaga upang pulutin ang mga damit at makapagbihis habang sinubukan niya muling tawagan ang nakababatang pinsan. Hindi na nito sinasagot ang telepono kung kaya naman sinubukan niya muli si ate Andrea, ngunit tulad kanina ay hindi rin ito tumutugon.

Napatiim na lamang siya ng bagang sa inis dahil sa tila pinagtutulungan siya ng mga kamag-anak, batid niyang mainit na din ang dugo ng mga ito sa kanya dahil sa mga nangyari noon nakaraan.

"Dydy, I'm done," paalam ng dalaga nang matapos na.

"Alright, let's go." Tinanguan na lang niya ito na sumunod at nauna na papunta sa sasakyan.

Naisip niyang tawagan si Lucy dahil ito na lamang ang natitirang pwede niyang mapagtanungan, subalit naroon ang takot niya sa maaaring sabihin nito lalo pa at huli nanaman siya sa balita.


Laking pasalamat niya na lang nang makitang ang mensahe ng nakababatang pinsan, sigurado niyang patakas ang pagpapadala nito dahil halos putol-putol pa ang address ng hospital. Napangiti siya nang mapagtantong malapit lamang ang naturang lugar kung nasaan sila.

Mabilis niyang pinakaripas ang sasakyan sa naturang lugar dulo't na rin ng matinding pagkabalisa, wala pa rin kasi siyang ideya sa kung ano ba ang sinapit ng anak at kung ano na ang lagay nito.

Humahangos at nagmamadali pa rin siya hanggang sa makalabas ng elevetor, napatigil lamang siya sa may pasilyo ng hospital nang makita ang kanyang daddy at mommy doon, kasama ang kanyang mga pinsan at ilan pang mga bantay ng mga ito. Mukhang kadadating lang rin ng mga ito dahil aligaga pa sa paglilibot ng tingin.

"Jusko ang apo ko, ang apo ko!" malakas na hagulgol ng mommy niya na halos maglupasay nang mapatingin sa pintuan ng isa sa mga silid.

Napalunok na lamang si Andrew dulot ng kabog sa kanyang dibdib nang makitang nagmamadali ang mga ito sa pagpasok doon. Dali-dali na lang din siyang naglakad palapit, hindi niya na nga namalayan na nakasunod sa kanyang likod ang dalaga. Napatigil lamang siya nang biglang lumabas ang kanyang daddy hatak-hatak ang kanyang pinsan at halatang may pinagbubulungan ang mga ito.

Their Complexities (Book 3 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon