Hinihintay talaga ako ng mga ito.

Lumapit ang waiter sa akin at binigyan ako ng tubig at menu.

"What do you like, ma'am?"

Tinignan ko ang menu at shit ang mamahal ng mga nandito. Wala akong pera.

Nginitian ko ang waiter. Nakakahiya."Sorry, may hinihintay pa kasi ako."

Tumango siya at ngumiti din."Okay po."

Nakakaramdam ako ng kaba dahil mag iisang oras na hindi padin dumadating si Keane. Sisiputin niya ba ako?

Nahihiya pa ako dahil ikatatlong balik na ng waiter pero pinapaalis ko dahil Wala pa ang kasama ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinext ang number ni Keane.

Me:

Keane, where are you? I'm waiting her at New Coast.

Walang reply na dumating. Malapit na akong mawalan ng pag asa. Dalawang oras na siyang wala at nandito parin ako nag hihintay.

Mabilis na kinuha ko ang phone ko sa pag aakalang si Keane yung pero si Crystal lang pala.

Crystal:

Tara na, uwi na tayo.

Lumingo-lingo ako at mabilis na nag tipa ng sagot. Alam kong nakikita nila ako ni Shane dahil nasa gilid lang ang sasakyan nila pero medyo malayo dito.

Me:

Nope, I'll wait. Baka may ginagawa lang, papunta na rin yun.

Dalawang oras na ay mag sisirado na itong hotel at wala pang Keane ang nakikita ko.

Pinaglalaruan niya ba ang feelings ko para sa kanya? The hell is he thinking?

My brothers right, Keane is so heartless to me. Dahil ba alam niyang may gusto ako sa kanya? Dahil ba alam ng campus na gusto ko siya?

What's wrong with him at anong plinaplano niya? Na paasahin ako? Durugin ang puso kong nag mamahal sa kanya?

Ano, Keane?!

Nakita ko ang waiter na palapit sa akin ulit.

"Ma'am, if wala kayong o-orderin pweding lumabas na kayo kanina pa kayo nandito. Hindi po ito tambayan."

Tumango."I'm sorry."Tumayo na ako at nakita ko ang sama ng tingin ng waiter sa akin.

Kanina pa siguro sila naiinis dahil wala akong ginawa kundi paalisin sila.

"Aalis rin naman pala. Tumambay tambay."Bulong ng isang mas batang waiter sa nakakatandang babaeng waiter.

Nahihiya akong lumabas at tumayo sa daan.

"Pinaasa niya nga ako." Bulong ko nalang sa kawalan habang pinipigilan ang luhang babagsak.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luhang nag babadyang babagsak. Nakita kong lumabas sila Crystal at Shane sa sasakyan at pareho silang may lungkot sa mukha.

"Hayop na, Keane na yun pinaasa ka lang pala!"Galit na sabi ni Shane habang nakatingin sa mga dumadaang sasakyan.

"Alisin mo na kasi yang Keane sa puso mo, Aella! Wala yung puso! Wala yung pakialam sa nararamdaman mo kaya please move on."

Ang sakit naman mag salita ng babaeng ito. Sumimangot ako sa kanya.

"Nagugutom na ako."

Narinig kong tumawa si Shane sa gilid ko at kumunot noo naman si Crystal habang may inis sa mukha.

Totoo naman talagang nagugutom na ako. Kanina pa akong tanghali walang kain pero dahil nabusog ako sa meryenda kanina pero hindi naman yun sapat.

"MacDonald tayo."Na eexcite na sabi ni Shane sabay hila sa akin papuntang sasakyan.

"Kuya, sa MacDonald tayo."Sabi ni Crystal sa driver."

Tinignan ko ang phone ko nag babakasakaling may text si Keane doon pero wala.

"Hindi yun mag te-text."Naiiritang tono ni Crystal habang sa kalsada nakatingin.

"He is so heartless."Bulong pa niya.

"Crystal, tumahimik ka nga dyan para kang tanga."Natatawang saad ni Shane.

I get Crystal. She's mad at Keane kahit naman ako dahil hindi naman tama ang ginawa ni keane.

Ang sakit kaya pag pinaasa ka ng taong gusto mo. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya para paasahin niya ako at pahiyain.

Hiyang hiya ako sa waitress kanina at sa waiter na nagtanong sa akin.

Keane, I will make you pay. You wait. I'll break your heart when it's my turn. I'm sure of that. Let's turn the table, baby. You'll pay.

Heartless (Complete)Where stories live. Discover now