No Cupcake For Today?

36 1 0
                                    

Ilang linggo na nya kong binibigyan ng cupcake pero di pa rin sya nagpapakilala o nagpapakita.

Ngayon ay para kaming tangang tatlo na nakatingin sa nakabukas kong locker.

"Bakit walang cupcake?" Tanong ni Maze

"Star, binusted mo ba sya o ayaw na nya sayo?" Tanong ni Queeny.

A-ayaw na nya sakin?????

E ano naman!?!!?

Aminado akong dissappointed din ako kahit papano, pero bakit naman ako magiging affected?

"Di nya obligasyon yun." Cold na sabi ko at lumabas na ng locker room.

Pumunta ako ng canteen at tumingin ng pagkain.

May cupcake din naman dito aah! Bakit ko naman hahanap-hanapin yung galing sayo!?!?

"Ate, tatlo po nitong cupcake na may flower." Sabi ko sa nagtitinda saka nagbayad at umalis.

Naupo ako sa bandang dulo malapit sa pinto ng canteen.

"Star, okay ka lang?" Tanong sakin ni Maze nang maupo sila ni Queeny.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?" Sagot ko na naging dahilan para magkaroon ng katahimikan sa pagitan naming tatlo. Ramdam ko ang pagpapalitan nila ng tingin kahit di ko sila tignan.

Ano kayang iniisip ng dalawang talipandas na 'to!?

"Star, masarap?" tanong sakin ni Maze.

"Oo. medyo."

"Ano ba ang ideal cupcake mo?"

"Gusto ko yung Rainbow na cupcake. Basta yung halo-halo yung kulay! Ah basta! Mahirap ipaliwanag!"

"Oo nga. Halata nga." Pag-epal ni Queeny. Bigla silang tumayong dalawa dahilan para mapatingala ako sa kanila. Binigyan ko sila ng where-the-hell-are-you-going look.

"Magbo-boy hunt lang kami." Sabi ni Queeny sakin sabay kindat. Inirapan ko lang sya.

Magisa ako ngayong kumakain, pilit kong ina-appreciate 'tong cupcake pero meron talagang hinahanap yung panlasa ko.

"Hi Star!" Bati sakin ni Ate Shane, kaklase ni Jerney at kasama ko sa Mathinik Club.

"Hi!"

"Ba't magisa ka?"

"Nagboy hunt yung dalawa."

"Bakit di ka sumama?"

"Ahmm... wala lang."

KATAHIMIKAN

"Ate Shane bakit di ko nakikita si Jerney ngayon?"

"Si Jerney? Absent!"

"Ahh ganunba? Hehe. Ahmmm.... una na ko Ate Shane..."

"Sige."

Iniwan ko na yung natirang isang cupcake. Di kasi sakto ang timpla, matabang. Di tuloy ako nabusog! Bakit kasi no cupcake for today?

Pagkain Para Kay Star (Short Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now