"Nako Calliope hindi ka pwedeng mag request ng light make up lang dahil kailangan ikaw ang pinaka maganda 'don" Sabi ni Mards.

I roll my eyes. Sasabihin ko na sana iyon kaso inunahan niya ko! I'm not really a fan of heavy make up kahit anong event pa yan. I like to keep my look natural.

Naka robe na ako at medyo basa pa ang buhok, naka hilig sa pintuan si Mommy at tumatawa.

"Kailangan bonnga rin and debut mo dahil ikaw ang prinsesa ng mga Santos" Aniya habang bino-blower ang buhok ko.

"Hindi ka pupuntang company my?" Tinignan ko siya galing sa salamin dahil busy si Mards sa buhok ko.

Umiling siya at nangiti "Dalaga ka na talaga"

Uminit naman ang pisngi ko. Bakit niya kailangang sabihin 'yon?

   I'm standing in front of the mirror. Tahimik kong tinignan ang sarili ko. I still look the same, mas nabigyan nga lang ng pansin ang mga mata ko dahil may kung anong ginawa si Mards dito.

"Si Vini ang date mo diba? Nasaan na siya?" Tanong ni Mom pagkatapos ihatid sa labas si Mards. Naka simangot kong inabot ang phone ko and called him.

Si Bommie at Lee ang tanging nag text sa akin. None from the boys. I haven't heard from them all day. Ano na ba ang nangyari sa kanila?

Tinawagan ko si Rix ngunit walang sumagot. I tried calling all of them pero nag ri-ring lang hanggang sa mag disconnect. What the fuck?

"Hey. Ang ganda ganda mo tapos naka simangot ka" Sabi ni Mom habang nililigpit ang nga gamit sa vanity mirror.

Bago pa man ako makasagot, kumatok si Manang sa pinto.

"Ma'am nasa baba po si Sir Tristan" Aniya.

Tristan? Hala sino yun?

  Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin bago bumaba. Napagtanto ko nalang kung sino ang Tristan na tinutukoy ni Manang nang makita ko na siya.

Nakatalikod siya at inaayos ang kanyang cuff links. Hindi niya suot ang coat at nakabukas pa ang first two buttons ng puting long sleeve niya.

"I thought you were going to ditch me" I said standing in front of him. Inangat niya ang kanyang ulo.

"Who can ditch a beautiful girl like you?" Aniya sabay ngisi. Imbis na ngumiti ako ay lalo pa akong sumimangot dahil nakita kong may pasa siya sa pisngi.

"What---"

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay hinigit niya agad ako sa bewang at halos itulak na ako sa pinto.

"Bye Tita! Alas tres na po kami uuwi!" Sigaw niya kay Mom sabay sara ng pinto.

"What the fuck? Bakit mo ginawa 'yon?" Inis kong sabi sa kanya nang makasakay na kami sa sasakyan.

"Baka kasi makita niya yung pasa ko" Simple nyang sagot. I inspected his whole being at nakita kong may pasa siya sa pisngi and his knuckles were bruised. I touched his shoulder and he winced.

"What the hell did you do?!" Sinuntok ko pa lalo ang balikat niya causing him to wince again.

"Alam mo bang hindi pwedeng guluhin ang driver kapag nag da-drive?" He said annoyed.

"I'm not joking Vini. Ano ang ginawa niyo?" My jaw clenched as he takes a deep breath.

Kaya pala wala sila sa bahay kanina. May sarili silang gala! Mga walang hiyang 'to hindi pa nadala! Ano na ang napapala nila sa sakit ng katawan?!

"I'll tell you later Cal, right now all you need to do is smile because we're here" Tinigil niya ang sasakyan. Walang imik akong bumaba at sinalubong ni Rix na mukha ring galing sa away, nilagpasan ko siya at pumasok na sa loob ng venue.

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now