Ganito ang totoo naming buhay. Ganito ako sa katotohanan. Amo ko ang mga Dela Vega. Kasambahay lang nila ako. Pero hindi ko iyon ikinakahiya. Ang pagtratrabaho namin dito ay marangal at wala kaming inaapakan na tao ni Mama. Sadyang mabait lang ang mga Dela Vega sa amin.

Wala rin ang mga magpipinsan. Sinundo nila si Fleur sa airport. Syempre kaibigan nila ito.

"Oh, nandiyan na sila!" sigaw ni Ate Sabel.

Agad na nataranta ang ibang mga kasambahay. Habang ako ay tahimik na nakamasid sakanila.

"Annicka! Halika dito, salubungin natin si Fleur!" si Mama.

Agad akong lumapit sa tabi niya at naglinya na kami para salubungin ang bagong bisita. Pito kami ngayon na naghihintay dito sa sala ng mga Dela Vega.

"Welcome home, Mademoiselle Fleur!" sigaw ni Neville, pagkapasok nilang anim sa mansyon.

Sabay naman kaming yumuko bilang paggalang sa bisita ng mga Dela Vega. Yumuko din naman ng kaunti si Fleur sa amin kaya umayos na kami ng tayo. Sinenyasan ni Mama ang ibang katulong na buhatin ang mga dalang maleta ni Fleur na bitbit ni Von at ng mga kambal. Napatingin ako kay Von dahil naramdaman ko ang pagsulyap nito sa akin.

Pero lumipat agad ang tingin ko kay Fleur. Napaka-ganda niya. Wala ni isang mali sakanyang katawan. She's wearing a simple spaghetti white dress and a white stilettos. She's skinny too but it's still perfect. She's like a princess, really.

"This isn't my home. I'll go to mansion after one week. I'll just stay here for a while, and you know it Neville." natatawa nitong sabi kay Neville. Even her voice is too sweet.

"But you can still consider the Dela Vega mansion as your home, sweetie." malambing na sabi ni George.

Nakita ko ang pagnguso ni Jorgy sa likod at umirap ito sa kawalan. Problema nun?

"Ah, Manang Madelle. Nakahanda na ba ang mga pagkain sa kusina?" tanong ni Ron kay Mama.

Tumingin sa akin si Ron at ngumiti. Sinuklian ko naman iyon.

"Ah, oo Ron. Dali na, Halina kayo at makakain na si Miss Fleur." sabi namam ni Mama.

Napatingin ako kay Fleur at nakatingin na pala ito sa akin. Nagulat ako doon. Agad akong ngumiti sakanya, ngumiti rin ito ng pabalik at yumuko ng kaunti.

"Tara na." si Neville at naglakad na sila.

Sumulyap sa'kin si Von, bago sumunod sakanilang lahat. Tinitigan ko sila habang papunta sa kusina.

Napakaswerte nila at hindi sila lumaki sa hirap. Samantalang may mga tao na kulang ang kinakain. May mga tao na gustong magpagamot, pero walang pampagamot. May mga bata na nagtratrabaho sa murang edad, imbes na naglalaro, pera ang hinahanap. May mga nanay na walang pambili ng gatas dahil sa hirap ng buhay. At may mga tatay na pinapatulan ang mga trabaho, na kahit hindi sapat at tama ang sweldo.

Iba-iba tayo ng estado sa buhay, pero lahat naman tayo ay pantay.

Papasok na sana sa kusina si Jorgy pero bigla itong tumigil at nilingon ako. Ngumiti ako sakanya. Ngumuso ito at agad na naglakad patungo sa akin.

May problema ba ito?

"Bakit ayaw mo pa pumunta sa kusina?" tanong niya nang makalapit ito sa akin.

"Papunta na ako, may naisip lang." natatawa kong sagot.

Umirap ito sa akin at umambang yayakapin ako. I smirked. Dela Vega cousins and their rolling eyes.

Sinalubong ko ang yakap niya at tinapik ang balikat nito.

"So, anong problema?" tanong ko sakanya.

He shaked his head and he tighten his hug. Wala raw. I know them very well.

Except kay Von.

Hindi na lang ako kumibo at hinayaan kong yakapin niya ako. Wala man akong kapatid, pero meron naman sila. Nandito naman sila sa tabi ko.

Lumaki ang mata ko nang biglang lumabas si Von sa kusina. Nakatingin ito ng madilim sa amin. Suminghap ako at unti-unting tinanggal ang pagkakayakap ni Jorgy sa akin.

Umayos ng tayo si Jorgy. Pagod ang mga mata nito.

"Why?" tanong ni Jorgy.

Ngumiti lang ako sakanya at umiling.

"What are you two doing here?" malamig na sabi ni Von.

Jorgy smirked. Hindi niya nilingon si Von, kundi nasa akin pa rin ang mga mata niya.

"Oh, the jealous man." bulong ni Jorgy.

"Von, come on. Let's eat. What's happening here?" agad akong napalingon sa isa pang boses.

Si Fleur.

"And the jealous woman." Jorgy whispered again, but this time, there's coldness in his voice.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Aug 08, 2020 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Escaping From Dela VegaKde žijí příběhy. Začni objevovat