Entrée #1

50 2 0
                                    

Tilte: Una't Huli
one-shot

Nagulat si Kyle nang napansing mali pala ang silid na kanyang napasukan. Hindi niya napansin na ito pala ang katabing silid kung saan naroon ang kanyang fiancee. Tsaka lang niya napansin ang pagkakamali nang makita ang kakaibang desenyo sa silid. Mayroong mga laruang sasakyan na nagkalat sa sahig.

Napabuntong hininga siya sa sarili at tumalikod upang lisanin ang silid. Ngunit siya'y napatigil nang may maliit na boses na nagsalita. Lumingon siya at nakita ang isang maliit na batang lalake na nakaratay sa kama.

“Sino k-ka p-po? K-kaibigan po ikaw ni m-mama ko?” bumalatay ang pagtataka sa maputla nitong mukha.

Nahigit niya ang kanyang hininga nang masilayan ang mukha ng batang lalake. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa mukha ng kanyang kaharap. Para siyang nanalamin dahil talagang magkatulad ang kanilang mukha.

Ang kanyang balak na umalis ay biglang nawala sa kanyang utak. Lumapit siya sa kinahihigaan nito at yumuko.

“K-kaibigan ka po ni m-mama?” ulit nito nang hindi siya sumagot.

“No. Hindi ako kaibigan ng mama mo.” he answered in a soft voice.

Napalitan ng takot ang kaninang nagtataka nitong mga mata. “T-then you're a bad guy po.” akusa nito at umusog papalayo sa kanya.

“N-no! Of course not. I'm not a bad guy, okay? Namali lang ako ng napasukan. Akala ko kasi ito ang room na dapat kung pasukan pero ang katabi pala nito.” natataranta niyang paliwanag.

“What's your name? Mine is Kyle.” pagpapakilala niya sa bata.

Inilahad niya ang kanyang kamay at ngumiti rito. He can't explain why he's comfortable with the boy. Nag-aalinlang tinanggap nito ang kanyang kamay. Nang maglapat ang kanilang mga kamay ay tanging lamig lamang ang kanyang naramdaman. Para siyang nakipagkamay sa isang bangkay.

“K-kian Lyle po. Nice meeting you po, tito K-kyle.” muli siyang napangiti dahil sa pagtawag nito sa kanya ng tito.

“Kian... What a nice name.” even their name starts with letter K.

“Thank you po.” nahihiyang usal nito.

Napatawa siya ng mahina at ginulo ang buhok ng bata. Umupo siya sa higaan nito at muling tinitigan ang maputla nitong mukha. Mahagip ng kanyang mata ang laruan nitong kotse.

“You like playing with toy cars?”

“Opo, wish ko po na magride ng car. Yung totoo po! Gusto ko po maging kagaya ni papa. Pero sabi ni mama po, bawal ako magride kapag mahina pa po ako. Pero 'di po ako makakasakay ng car kasi di na po 'ko magiging strong ulit.” parang may kung sinong pumiga sa kanyang puso nang makita ang malungkot na mukha ng bata.

Masakit sa kanyang makita ang bata na malungkot kaya nag-isip siya ng paraan upang ito'y sumaya. Kinuha niya ang laruang kotse at kuwaring pinapatakbo ito.

“Don't lose hope kiddo. Lalakas ka ulit at tatalunin mo ako. Alam mo bang isa akong car racer? At wala pang kahit sino'ng nakatalo sa 'kin. Kaya kailangan mong magpalakas para matalo ako.”

“T-talaga po?! Car racer ka po?” he nodded while laughing. Natuwa siya't muling bumalik ang sigla nito.

May nakita siyang isa pang laruang kotse kaya inabot niya ito sa kanya at inaya itong maglaro. Tuwang-tuwa naman ang bata at maging siya rin dahil sa pagkabibo nito kahit na may iniindang karamdaman. Hindi niya namalayan ang oras at napansin lang niya nang tumunog ang kanyang cellphone.

Nang makita niyanang caller ay kaagad niya itong sinagot.

“Where are you? Kanina pa ako naghihintay sayo rito!”

AléatoireWhere stories live. Discover now