"Four idiots and the leader!" I hissed.

"Nagulat ka ba?"

"How come? Bakit ganito ang mga itsura nila?"  Hindi makapaniwalang tanong ko sa ka ya habang nakatitig pa din sa larawan nila. Hindi ako makapaniwala na sina hangin 'to.

Nakakatakot sila dito.

"Unbeatable and Unbeataboys.. They were rivals, Hershey. As you can see, kahit sa pangalan ng grupo nila, magkalapit din."

"What's the difference between them?" I suddenly asked. Hindi ko matukoy kung anong pinagkaiba nila pero alam ko na mayroon.

"Frat brads."

"Who? Sina hangin ba?"

"No." Tinuro nya ang Unbeatable. "Sila."

"How come?"

She grinned. "Pati ba naman ikaw inakala mo na sina Hanz? Why? Just because ganyan ang itsura nila? Looks can be deceiving, Hershey. Unbeatable may looked like an angel to you but still, a devil was onced an angel. Magkaaway ang grupo nila. Unbeataboys are rockstars."

"Who are they?" Gusto kong malaman kung anong pangalan nila. Si hangin at si Kishi na madaldal lang ang kilala ko.

"Alfred Spade, Theo Robles, Ethan Yukima, Luke Valdez and of course, Hanz Villafuerte."

"Ethan Yukima?"

"Oh, sorry, Ethan ang first name ni Kishi."

Tumango tango ako. Hindi ko alam na may first name pa pala ang madaldal na yun. Hindi ko din alam na bukod sa pambubuwisit nila sa akin, may banda pala sila.

"What about the other group?"

"Vic Flores, Gerald Kim, Chris Pelaez, Marlo Salvador at ang leader nila, si Matt Salvatore. Sa lahat ng club o grupo, ang unbeatable ang iniilagan. Samantalang ang isa naman ang nilalapitan."

"Why?"

"Nakakatakot kalabanin ang grupo nina Matt. Mapanganib sila. Sila din yung kung ano-ano ang reputasyon sa school. Minsan lang silang pumasok at iisa lang ang trabaho ng mga magulang nila."

"Ano?"

"Drug lords."

Hindi ako nakaimik. Hindi naman yun napansin ni saltik at nagpatuloy sya sa pag oorient sa akin.

"Ang grupo naman nina Hanz ang pinakagusto ng lahat. I guess that was the reason kung bakit malaki ang galit sa kanila ng kabilang grupo. Itinuring silang kaaway kahit wala silang ginagawa. Malaki ang pagkakaiba nilang dalawa, Hershey. You should know whose dangerous and not. May teritoryo sina Matt na sila lang ang nakakaalam kaya naman ingat na ingat ang lahat. Ayaw kalabanin ng kahit sino ang galit ng grupo nila."

****

Tahimik akong naghintay na umusad ang traffic. Hanggang ngayon hindi pa din mawaglit sa isipan ko ang naging pag-uusap namin ni saltik kahapon.

Umalis din sya kaagad pagkatapos ng ilang oras na pagsasabi sa akin ng tungkol sa mga grupo sa UOS. Akala ko normal ang mga estudyante dun pero sa tingin ko ay nagkamali ako. Hindi ko akalain na may nag-eexist na The Unbeatable.

Pagkaraan ng ilang oras ay umasad din ang traffic. Nakarating ako sa UOS at bumaba ng sasakyan pagka-park ko.

"Bumalik na sila."

"Talaga?"

"Nakasalubong ko sila kanina.. Nakakatakot pa din.."

"Bakit ngayon pa? Malapit na ang Starians Party!"

"Baka manggulo lang sila."

Wala pa akong limang hakbang ng bigla akong napatingin sa unahan ko at nakitang napahakbang paatras yung mga narinig kong nagbubulungan at nakatingin sa likuran ko.

Lilingon pa sana ako ng may biglang tumabig sa akin. Napasandal ako sa likuran ng kotse ko.

Sinundan ko ng tingin yung mga lalaking nakakulay itim lahat. Kita kong napayuko ang ilan habang ang ilan namang kasalubong nung mga lalaki ay nag-iba ng direksyon.

"Spade.."

"Robles.."

"Yukima.."

"Valdez.."

"Villafuerte.."

Sinundan ko ang tinitingnan nila at nakita ko sina hangin na napatigil sa pagtatawanan at napalingon sa tumwag sa mga apelyido nila.

Napalitan ng seryosong mukha ang mga ngisi nila kanina. Lahat kami ngahihintay ng mangyayari.

Nakita kong nagsitayuan silang lahat at hinarap ang mga bagong dating.

"The Unbeatable.." Nakangising sabi ni Kishi sa kanila.

Ibinaling ko ang tingin ko sa mga naka-itim. Ito na ang sinasabi ni slatik na iniilagan na grupo?!

Nagbalik sa isip ko ang narinig ko kanina. Pati na din ang huling sinabi ni saltik.

"Malaki ang pagkakaiba nilang dalawa, Hershey. You should know whose dangerous and not. May teritoryo sina Matt na sila lang ang nakakaalam kaya naman ingat na ingat ang lahat. Ayaw kalabanin ng kahit sino ang galit ng grupo nila."

Mukhang tama si saltik. Tinitigan ko ang dalawang grupo at lahat ng myembto ay seryoso.

Naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya napatingin ako sa grupo nina hangin at nakita ko syang nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.

May iminumuwestra ang mga mata nya sa akin pero hindi ko maintindihan.

Lalapitan na sana nya ako ng biglang lumingon ang kaharap nya at nakita ako. He grinned.

"Looks like someone stepped on our territory.."

Napalingon ang lahat sa akin ng biglang magsalita ang malalim na boses na yun. Tiningnan nila ang nasa may paanan ko. Napatingin din ako.

✖❎❌

I heared someone cursed.

----


My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now