20: The Clubs 2

484 26 5
                                    

MEANIE

"Mouse?"

Napatawa naman si saltik sa dinugtong ko. "Hindi. Meanie means, Marian-Ely-Angela-Niña-Isabel-Eva. Well, sila lang naman yung walang ibang ginawa kundi pagtsismisan ang ibang tao at makialam sa lahat ng bagay. They are means. Mga bully sila."

"Sila ba yung palaging nakakalat sa hallway?"

Tumango si saltik. "Sila din siguro yung narinig natin na nag-uusap sa greenhouse noon."

I gritted my teeth. Tinandaan ko ang mukha nilang lima na nasa screen na pinakita sa akin ni saltik.

D.O.T.T

"Dott?" My brows furrowed.

She chucked. "D.O T.T."

"Meaning?"

"Darlings of the tabloid. Sila yung kalimitang nafefeatured sa Lathè. In short, sila yung mga nakakasawa na ang mukha." Natatawang sabi ni saltik. "Kidding."

THE CHAMPIONS

"Sila naman yung mga athletic. Same as the dancing queens dahil sila naman ang pambato nati  when it comes on sports. Sila din yung madalas na excuse sa klase."

"What sports?"

"Madami. Tennis, Badminton, Judo, Table Tennis, Soccer, Volleyball, Dart, Track and Field, Swimming, Basketball, Running etcetera. Some called them 'The Varsities'.

THE 10R

"The Top 10. Anak sila ng mga politiko at kabilang sila sa Top 10 Rich Students sa school. Second version sila ng Meanie. Bully din sila. Contest na nga sila minsan ng Meanie sa pambubully."

I glanced at her. Irritation was visible in her almond shaped eyes.

"Na-bully ka na nila?"

Tumango si saltik at hindi na ako nagtanong. Mukhang wala sya sa mood ikwento kung paano nangyari yun. Magsasayang lang ako ng saliva.

THE UNBEATABLE

"What about them?"

Tinitigan ko ang nasa screen. Lima silang lalaki na pawang mga naka jacket na may letter U sa left side. Seryoso ang mga mukha nila at mukha silang mga gang.

"Well, dalawa yan."

"Huh?"

May pinindot ulit sya sa screen.

THE UNBEATABOYS

"The Unbeatable and The Unbeataboys?"

Tinitigan ako ni saltik habang nakapilig ang ulo nya sa sandalan ng upuan. "Hindi mo ba nakikilala kung sino ang mga nasa picture?"

Inabot ko ang laptop ko at pinakatitigan ang pangalawang grupo ng limang lalaki ng The Unbeataboys.

Kumpara sa unang limang lalaki na nakita ko, ang Unbeataboys naman ay parang mangangain ng tao sa klase ng tingin nila. Mukhang naka-eye liner ang limang 'to at lahat sila ay may mga suot na gitara. They looked rockstars but aparently, they all looked familiar in my eyes.

Tinaasan ako ng kilay ni saltik ng mag-angat ako ng ulo. Ibinalik ko ang tingin ko sa picture nung sampung lalaki na magkaiba ang grupo. Mas nakuha talaga ang atensyon ko nung pangalawang grupo---

Nanlaki ang mga mata ko ng marealize kung sino ang mga yun. Kulang na lang ay isaksak ko sa mga mata ko ang laptop para mas makita ng maayos ang mga mukha nila. Inimagine ko na wala silang eye liner and click! Sila nga yun!

My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now