chapter 1

41 1 0
                                    

Chapter 1

Tears

June 26  / Wednesday
8:55 am

Ngayon ang kaarawan ko , hindi nako mag eexpect ng magarbong handaan , maligayang kaarawan , Wala nakong iisipin pa alam ko Naman na ordinaryong araw lang ang araw na ito

Sana matapos na ang araw na ito . Ayokong may babati sakin ng maligayang kaarawan . Alam kong wala naman talagang may gustong makasama ang tulad ko ultimo magulang ko walang pakealam sakin . Minsan naisip ko anak ba talaga ako , parang ang hirap nila abutin yung tipong kahit atensiyon lang naman nila hinihingi ko pero wala .

Walang atensiyon na binibigay sa anak nila puro nalang kay theang . Naiinis ako sa tuwing binibili yung mga gusto niya . Samantalang ako hirap na hirap pang makuha o ako na mismo ang bibili .

I don’t want to experience .

I just want to die and gone to this world .

Ayoko ng maranasan ng paulit ulit ang lahat ng Ito .

Ayoko ng maramdaman na parang hindi nila ako nakikita sa pamamahay na Ito .

Ayoko na . Pasigaw na sabi ko at paghudyat na  pagtulo ng luha ko mula sa aking mga mata.
Paulit ulit ko nalang nararamdaman ang lahat ng ito . Gusto ko ng sumuko , gusto ko ng mamahinga .

Thaliaaaaaaaa , ano ba't nasigaw ka jan bata ka . Tinig ni mama hudyat na naiinis na

Agad kong inayos ang aking higaan at pinunasan ang luha tiyak kong magagalit nanaman si mama.

Po , ma

Ano't nasigaw ka ng ayaw muna ?  Mataray na sabi ni mama

Wala po , binangungot lang po ako . Mahinang Sabi ko kasabay noon ay ang aking pagyuko.

Oh sige na umayos kang bata ka , Tayo ay aalis magbihis kana . 
Matapos niyang sabihin ay agad naman itong umalis sa kaniyang silid .
Dali dali namang nag – ayos ng kama si Thalia upang makapaligo na at makahanap ng maisusuot.

Saan naman kaya kami pupunta , bahala na nga . 

Nag suot ako ng jumpskirt na ang panloob ay off shoulder at  white shoes .

Pagbaba ko sa sala nakita ko agad kung gaano sila kasaya .  Nakakatawa lang bat paba ako nabuhay kung masaya na silang tatlo . Tumikhim ako para maagaw ang atensiyon nilang lahat.

Oh thalia nariyan kana pala , halika na at kumain na tayo . Anyaya ni papa saakin

Agad naman akong naupo sa hapag , kapansin pansin ang kapatid kung si thea , as usual galit nanaman sakin dahil nabigyan ako ng atensiyon .

Nagsimula na silang kumain sa hapag ngunit tila nakalimutan na ata nila ang araw kaya’t pilot na pinapatatag ni thalia ang kaniyang sarili dahilan upang maghudyat nanaman ang kaniyang mga luha . Hindi naman napansin ng kaniyang mga magulang ang paghikbi at pagyuko ni thalia . Ngunit ang kapatid niyang si thea ay napansin ito.

Hoy ate thalia , bat umiiyak ka ?

Wala , may naalala lang bakit ?

Okay .

Lingid sa kaalaman ni thalia na sa pupuntahan nilang lugar ay naroon ang surpresang inihanda ng kaniyang mga magulang .

Okay , naba lahat ng dala niyo ? Tanong ni mama
Opo , mama sagot naman ni Thea
Oh , ikaw thalia okay naba ang dala mo ? Tanong nito saakin
Tango nalang ang naisagot ko

Tara na , sumakay na kayo Sabi ni papa

Agad ko namang sinalpak ang headphone sa aking tenga  at sinimulang makinig ng musika. At unti unting pinipikit ang aking mga mata , ngunit sinulyapan kong muli ang paligid sagana sa puno , halaman , at magandang tanawin. Nakakarelax ang ganda nito.

You say I spend too much time

In my head and it holds me back

I think you spend too much time

Givin' me second chances that

I don't deserve

And it hurts

Kabigha bighani talaga ang ganda ng paligid , minsan gusto ko nalang manirahan sa kagubatan ng tahimik .

You give me the kinda love that I never had

Wish that I could love, love, love you back

Wish that I could love, love, love you back

Wish that I could love like that

You give me your unconditional

Don't mean to sound so typical

But I wish that I could love, love, love you back

Wish that I could love like that, mmm

Wish that I could love like

Napa pikit ako sa silaw ng araw , kakaiba ang tingkad ng araw parang may pinahihiwatig.
Agad kung ipinikit ang aking mata . Gusto kong matulog ng mahimbing at panghabang buhay .
Gusto kong matahimik . I need peace and freedom . upang wala ng sakit ang mararamdaman pa.

Lumipas ang oras nakatulog ng tuluyan si thalia . Ikinagulat naman ito ng kaniyang mga magulang dahil hindi Ito natutulog sa byahe , Ito ang kauna unahang pag tulog niya sa byahe ngunit hindi na nila ito binigyan ng pansin .

Lumipas ang ilang oras ay narating na nila ang distinasyon na kung saan magaganap ang surpresa nila sakanilang anak .

Nagising si Thalia sa ingay na hatid ng mga tao . Agad itong napabangon at luminga linga sa paligid . Dahilan upang ikamangha niya ang Lugar dahil sa dala nitong ganda narito sila sa isang resort sa 📍 Baler , Aurora .

Ang ganda ng dagat . Sabi nito sakaniyang sarili

Agad nitong kinuhanan ng litrato ang paligid gamit ang DSLR kasabay nito ang paglubog ng araw kaya’t mas lalong napangiti at nabighani si thalia sa ganda .

Habang abala si thalia sa tanawin , aligaga namang pinapaayos ng kaniyang ina ang surpresa.

Ayusin niyo yan , siguraduhin niyong maayos ang lahat .

Opo mam

Pa , nasan na si thalia ? Tanong ng ina sa kaniyang asawa

Tiyak kong naglilibot na iyon sa pagkamangha lalo na't dala niya ang kaniyang DLSR .Maamya na natin siya papuntahin dito at mukang hindi pa maayos ang lahat oh .

Oo, nga po pagsang- ayon ng batang thea

Ay pa alam mo po kanina sa hapag habang kumakain tayo nakita ko pong umiiyak si ate kwento ng Bata sa kaniyang ama.

Bakit naman ? Takang tanong nito

Tingin ko po ang alam niya walang nakakaalala sa birthday niya , tsaka narinig ko din pong umiiyak siya sa kwarto niya kanina . Kwento ulit ng Bata.

Hayaan mo kakausapin ko mamaya .

Ang ganda ng langit . Gaano kaya kaganda sa langit , I’m so curious how it look like . I want to see that place with peace .  I want to see in my own eyes.

I wish .



A/N : THANK YOU FOR READING . SORRY FOR THE ERRORS , I HOPE YOU ENJOY LOVE LOTS , TAKE CARE AND KEEP SAFE . HAPPY READING GOOD BLESSED YOU.

Till death tell us apartWhere stories live. Discover now