*AKIN LANG SIYA!*

Start from the beginning
                                    

"Sean-sean, I think I have to go." biglang bulong ni Tovy.

"Sure ka?" nag-aalala kong tanong. Pero bigla itong tumayo kaya napatingin nalang ako sa kanya.

"Excuse me po tita, uuwi na po ako." seryosong paalam nito sa mama ko. Hindi man lang ngumiti. Nang tumango ang mama ay dumiretso na ito sa pinto at lumabas.

"Excuse me po, ihahatid ko lang si Tovy." paalam ko kina mama at Rielle na nagkukwentuhan parin. Agad akong tumakbo at hinabol si Tovy.

"Ube, teka lang!" pigil ko sa kanya ng makita kong pala yo na siya. Hinila ko nalang t-shirt niya para huminto siya sa paglalakad. Nakatalikod parin siya sa'kin, while I'm still catching my breath.

"Tovy, I'm sorry kung hindi ka naaasikaso ni mama at -- .."

"Hindi, okay lang. Naiintindihan ko naman, sige na pumasok ka na dun at may bisita ka pa." walang ka emo-emosyon na saad nito. Hinalikan lang niya ako sa noo at tumalikod na.

Nakatanaw nalang ako sa palayong si Tovy. Pero may gustong pumigil sa kanya sa pag-alis eh. Narealize ko nalang na hinahabol ko na pala siya at walang sali-salitang umangkas sa motor niya. Nagulat naman ito sa pag-angkas ko.

"Uy anong ginagawa mo?" takang tanong nito.

"Wala, gusto ka lang sundan ng puso ko." Yay! Ang corny ko na atah.

"Bumaba ka na Sean-sean, gabi na." mahinahon nitong sabi.

"Hindi, dito muna ako. I know you dont feel right." sabi ko sabay yakap sa likod niya.

"Pagagalitan ka ng mama mo. Sige na bumalik ka na sa loob." mariin nitong sabi.

"Ayoko, gusto muna kitang makasama bago pa lumala ang lahat." sabi ko habang naiiyak.

Agad naman niyang pina-andar ang motor at mabilis na pinatakbo.

"Ube! Dahan-dahan naman ayoko pang mamatay." sigaw ko sa kanya.

"Ang drama mo kasi." saad nito.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko.

"Sa heaven." pagkasabi nun ay nagconcentrate na ito sa daan. Napatanong naman ako sa sarili ko. Sa heaven? Oh my god!

Nakarating kami sa isang park. Itinigil niya ang motor doon at ibinaba ako roon.

"Ito ba ang heaven?" inosente kong tanong.

"Ikaw talaga!" sabi niya then smirked. Umupo kami sa isa sa mga bench doon. Napansin ko nalang ang biglang pagtitig sa'kin ni Tovy. I blushed.

"Oh shit!" mura nito.

"Bakit?" taka ko namang tanong.

"Bakit ganyan ang suot mo?!" sa tila galit nitong tono.

"Ito yung suot ko kaninang umaga eh." simpleng sagot ko.

"Eh bakit di ka nagbihis?!" pagalit na naman nitong tanong.

"Teka ba't ka ba galit?" tanong ko naman.

"Ano ka ba, baka may mambastos sayo dito." mahina nitong sabi. Does he care? I can't help but smile. Ang cute naman nito kung maka-care.

"Hindi ako mababastos, astig naman kasama ko diba?" nakangiti kong tugon sa kanya.

"Well, may point ka naman dun." nakangiti narin nitong sabi sabay akbay sa akin.

MY HANKY MANWhere stories live. Discover now