chapter 8: Verdad

Magsimula sa umpisa
                                    

"Well thanks to you naithan apo, Congratulations, you finished your mission in time." Pambabasag ni lolo sa katahimikan.

"Thanks lo." Nag-palipat lipat ang tingin ko sa dalawa.

Mission?

"You called him lo?" Nag-tatakang tanong ko sakanila.

"Narinig mo naman diba?" Nangaasar na saad nito.

"W-why? I don't understand, magkakilala kayo? Bakit parang napaka dami mong alam sa pamilyang ito naithan? Sino ka bang talaga?" Sunod sunod na tanong ko.

"Ngayong nakabalik ka na apo, panahon na siguro upang malaman mo...."

"M-malaman ang ano lo?"
Nakita kong nag-senyasan ang matatanda kumunot ang noo ni ava sa binulong nang kaniyang ina.

"But mom?" Rinig kong protesta pa nito. Ngunit wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Lumabas ang mag-ina sa loob nang silid.

Ngayon ay mas lalong nadagdagan ang mga tanong sa aking isipan.
"Si naithan ay ang apo nang iyong manang ester anak." Panimula ni dad.

"Si manang ester ay ang nag-iisang nawawalang kapatid nang iyong lolo imprevento ija." Pag-papatuloy ni Mr mateo na lolo ni cavin.

"Kung ganon si manang ay isang--"

"Renteva apo" Saad ni lolo

"Pero bakit kinailangan niyong palabasin na nawawala kung gayoy narito naman pala siya saatin?"

"Dahil sa ilang malalaking rason ija." Si manang ester na ang sumagot.

"Nag-karon ako nang kabiyak at nag-bunga iyon na siyang ama at ina ni naithan..." Dagdag na paliwanag pa nito.

"N-nasaan po sila kung ganon?"

"Ang aking magulang ay pinatay, Maging ang asawa ni lola ester ay walang habas nilang pinatay." Mariin ang paliwanag nito, Unti-unti ay naliliwanagan ako sa pag-katao ni naithan.

"Hulaan mo kung sino ang pumatay sa kanila?" Natatawang tanong ni naithan, sinaway ito nang lola ngunit hindi ito nag-patinag.

"S-sino?" Hindi ko namalayang nag-tatanong na pala ako.

"Ang tinuring mong pamilya, qutarah." Malamig na tugon nito.

"Sila din ang nasa likod nang pag-patay sa iyong ina" A-ano daw? Pagpatay? Sa aking ina?

"Hindi nila balak na patayin ang iyong ina ija, ang iyong lolo imprevento ang siyang gusto nilang patayin talaga." Si mr. Mateo stafford ang nag-paliwanag.

"Sino ang nag-tangka sa buhay mo lolo? At pumatay sa aking ina maging sa pamilya ni naithan? " Nagtatakang tanong ko.

"Si Thomson Grevouix apo, ang lolo ni Woven Kyro Harrison Grevouix at ama ni Weuver Grevouix." Tila nabingi ako sa aking mga narinig.

"Si thomson ay kababata namin nang iyong lolo ija, ngunit nag-bago ang lahat nang dumating si Shame Aster Valeriano na siyang napangasawa ni imprevento. Hindi matanggap ni Thomson ito kaya nag-tanim siya nang sama nang loob sa iyong lolo." Mahabang paliwanag ni Mr. Mateo.

Ngayon ay unti-unti nang naliliwanagan ang aking isip.

"Kung ganon ang tinuring kong pamilya ay isang taksil? Mga hayop sila" Mariin na saad ko sa mga ito, pero napatingin ang lahat ay naithan na tumawa dahil sa sinabi ko.

"Seriously galit ka sa kanila? Mag-dahan dahan ka sa pananalita mo qutarah dahil baka mabusog ko sa mga salitang binibitawan mo."

"Naithan!" Saway ni cavin dito.

"Bakit cavin? Kailangan niyang malaman." Nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Malaman ang ano naithan?"

"Mabuti pa ay mag-pahinga kana muna ija." Si lolo ang nag-salita.

Bumalik ang ala-ala ko pero maraming gumugulo, maraming tanong ngayon sa aking isipan.

Ang tinuring kong pamilya.

Ang taong minahal ko na nang lubusan.

Kaaway....

Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon