CHAPTER FOUR

20 7 0
                                    


" Oh.... My.....F*cking......Wine" tangi kong nasabi nang makita ang lalaki na nag sasalita sa stage.......



Sobrang gwapo nang lalaki na nakikita ko ngayon meron siyang mapupulang labi,  may matangos siyang ilong at ang kanyang mata, animoy pinag halong kulay berde at tsokolate.


Nakakapanghalina ang kakisigan ng lalaking ito animoy siya ang nasa pinaka unang pila nang magbigay ng magandang katangian ng lalaki sa mundo kaya nakuha niya lahat ng pinaka best na katangian.

Napagawi ang tingin sa akin ng lalaki kaya agad ako napaiwas ng tingin at nag kunwaring nag aalok ulit ng wine sa mga guest kahit hindi naman.


" So, that's all my dear employees, again, congratulations for our success and for the success of our company"

Pagtatapos niya sa kanyang speech. Nagpalakpakan naman ang mga empleyado, abay dapat lang kayo mag palakpakan dahil apaka haba ng speech niya kung diko nga lang alam na siya pala ang boss nila ay baka mapag kamalan ko siya ang Presidente ng Pilipinas dahil parang nag So- SONA na siya sa haba ng speech niya. .......

Maya maya pa ay nagulat ako dahil kinakalabit na pala ako ni Melody.


"Ano tapos ka na bang tumunganga diyan, muntik na ngang pasukan ng langaw yang bibig mo sa pag nganga mo e, pasalamat ka at pang mayamang Bar to kaya di welcome ang mga langaw" nang iinis na sabi ko kay Melody.

Pabirong hinampas naman niya ang balikat ko habang nagsisimula na kaming umalis doon sa may stage dahil umalis na din naman doon yung pakay namin........."Huu, ikaw naman besh, parang dika rin naman napatunganga nung makita mo si Mr. Yummy". Ganti ni Melody.

"Bakit, di naman ako napatunganga ah" pag tanggi ko pa.

"Anong hindi, kaya nga nawala ang pag tunganga ko e, pano mas dinaig pa ng pag nganga mo yung pag nganga ko kanina, hindi lang langaw ang papasok diyan sa bibig mo besh, kahit ostrich siguro kasya dahil sa lawak ng pag nganga mo " eksahederang pahayag pa ni Melody.

"Ang O.A mo naman besh ostrich talaga diba pwedeng kalapati muna" pag sakay ko pa sa biro ni Melody. Nagtawanan naman kaming dalawa dahil sa kagagahan naming dalawa.


Lumipas pa ang ilang oras ay nadagdagan pa ulit ang mga guest kaya mas naging busy pa kami sa pag seserve sa mga guest.


" Uhm besh tawag ka daw ni Ms. Manager" sabi sakin ni Melody.

" Ako?" Tanong ko kay Melody habang nakaturo pa sa sarili ko para masiguro kung ako ba talaga ang hinahanap ni Ms. Manager.

Tumango naman si Melody. Agad naman akong kinabahan dahil baka may nagawa akong mali dahil pinapatawag ako ni Ms. Manager masungit....



Habang naglalakad ako papunta doon sa may kinaroroonan ni Ms. Manager ay pinapraktis ko na ang sasabihin ko sa oras na simulan niya akong pagalitan. Nang makarating ako sa may pinto ay kumatok muna ako bago pumasok.


"Come in" rinig kong sabi sa loob, agad naman akong pumasok dahil kinakabahan pa rin ako......

" Uhm Miss Manager ala po akong ginagawang masama promise wag niyo naman po ako agad tanggalin"  walang hintong sabi ko pag kapasok na pagkapasok ko palang habang pinagkikiskis pa ang mag kabila kong kamay na animoy humihingi ng tawad.........


Ilang segundo ang nakalipas ay wala pa ring nag sasalita at wala akong naririnig na sumisigaw sa akin kaya napa angat ang tingin ko. Nakita ko si Ms. Manager na tila na weweirdohan sa mga kilos ko. Agad naman akong napa ayos ng tayo dahil sa tingin na binibigay niya sa akin.


Let Me Be Your Mistress My Dear First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon