Second Chapter

70 1 0
                                        

Paggising ko sa umaga, nagsuklay ako at chineck ko unread messages ko. Lahat GM.

Hindi pa nagrereply yung strange dude/dudette. Kaya hinayaan ko nalang, baka na wrong send lang siya.

Antok na antok pa kaming dalawa ni Ynna habang kumakain, pero mas inantok pa siya.

Muntik na ngang nasubsob buong mukha niya sa champorado eh. Sayang baba lang niya yung natuluyan.

Ako naman, auto-labas ng phone tas kinuhanan ko siya ng pic.

Pagbaba namin sa car sa harap ng guard house, antok parin. Pero hindi namin pinahalata. Nung hinahanap namin ni Ynna yung section namin, hinarang kami bigla ni Chiqui, Representative namin last year. Sana mapalitan na siya this Sophomore Year.

Chiqui: "Hi guys!" (hinug niya kami pero halatang gumagawa siya ng face na patago) Mukhang di niyo pa nahahanap section niyo? Ano nga ba section nyo?"

Ish, ang plastic niya.

Ako:  "Hindi pa nga eh." (Duh! :P) "II-Artistry kami"

Chiqui: "Ay buti nalang! II-Craftship pala ako."

Lumapit si Ynna kay Chiqui

Ynna: "Bakit buti nalang?"

Lumayo naman si Chiqui

Chiqui: "Ah... um... Magkalapit lang kasi rooms natin, pwede tayong magsabay. Hehe. Alam ko na kung saan room niyo. Let's go?"

No choice eh. 

"Tara."

Pagdating sa room, nagsigawan kaming lahat kasi ang daming hindi lumipat sa lower sections.

Sa lagay na yun, sana wala nang introduce-yourself-to-the-class ganun ganun :p Dun kami sa gitna nakakuha ng seat ni Ynna.

Lalaki adviser namin this year. Yeba! Hopefully, hindi siya naggy katulad nung adviser naming menopausic. Nag here, nag there, nag everywheeeere!

Kinarir  pagkabaog niya eh. haha

Natuloy yung introduce yourself blabla. Pagkatapos nung turn ko, naglakad na si Ynna papunta sa harap nang biglang may kumatok sa pinto.

Dahil si Ynna yung pinakamalapit sa door nung time na yun, siya nagbukas. 

"Sorry for being late po... Mam... "

Ynna: "Oooy. Its you..."

Tumingin ako sa lalaking pumasok. Ah, si Keith lang naman pala eh. Sandali. Keith? Keith. Keith!

Andito na siya sa Pinas? *Gulp* Ang gwapo na nga niya. Tumangkad, lumalim yung boses, humaba yung buhok tsaka mas naging broad yung shoulders niya. 

Siya yung tipong lalaking nagsusuot ng checkered polo at loose shirt. Siya yun.

Wala pa siyang uniform.

Uh-oh.

And I thought we werent ready for school. 

Ynna: "IA! Lookie! It's the dude you used to play the piano with..."

Nung sinabi yun ni Ynna, tumingin lang sakin si Keith at nagsmirk.

Sir Fernandez: "Mr. Aguilar maghanap ka na ng upuan mo. Choose well, kasi dun ka ng isang taon. Pasalamat ka, wala ako ngayon."

Remember when I said na lalaki yung adviser namin this year? Well, I was wrong. He's somewhere in between. XD

Red Strings and Other ThingsWhere stories live. Discover now