Until Then

34 15 8
                                    

A/N:
I suggest you listen to Moira Dela Torre's song, Take Her To The Moon while reading this. I added a YT vid para easy na. But if you don't want to, okay lang din. :)

------------------------------------------------------------

"Be happy, Karlos." Nginitian ko siya. Iyong genuine na smile talaga.

Tumitig lang siya sakin at ganon din ako sa kanya. Mimemorya ko lahat ng aspeto niya sa mukha. Simula sa kilay niyang makapal, hanggang sa mata niyang kulay (buhangin) na may unti unting namumuong luha sa gilid, sa ilong niyang matangos na namumula na ngayon, sa labi niyang mapula na ang sarap halikan. Lahat lahat tinatak ko sa isipan ko para pagdating ng bukas, hindi ko makalimutan. Ayokong makalimutan.

Unti-unti siyang ngumiti sakin at tumango. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit. My last hug. Sisiguraduhin kong hindi ko makakalimutan kung ano ang pakiramdam na niyayakap siya, ang init ng katawan niya, ang tibok ng puso niya na ang sarap pakinggan.

"This will be the last kaya sinusulit ko na." sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

Niyakap niya rin ako pabalik at pinatong niya ang baba niya sa ulo ko. Malalim siyang nagbuntong hininga bago hinalikan ang aking ulo.

"T-Thank you and I'm sorry, Jane." bulong niya.

Naramdaman kong unti-unti siyang kumalas sa yakap naming dalawa. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko habang ako naman ay titig na titig sa kanya.

I can't look at him right now but I have to. Kailangan ko siyang makita ng buo kahit masakit.

This is the man that I loved, I love, and will always love. This is the man that made me so much happy. This is the man that I considered my everything. This is the man that I wanted to be part of my future.

But this is also the man that broke my heart. This is also the man that gave me so much heartache. This is the man that I have to let go. Not because I want to but because I have to.

"Hindi ko pa rin makuha kung bakit tayo umabot sa ganito pero unti-unti ko ring naiintindihan. I'm sorry kung natagalan ako sa pag let go sayo. Ang hirap lang kasi. Ang hirap mong pakawalan kasi... sobrang mahal kita. But I know I have to so I am... letting you... g-go." nanginig ang boses ko sa huling sinabi.

Hindi ko na napigilan ang mga luha sa pagbagsak. Ang sakit sakit lang kasi.

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinahid ang mga luhang lumandas doon.

"I'm really... really sorry, Jane." sabay halik niya sa noo ko.

Napapikit ako sa ginawa niya at mas lalong bumuhos ang mga luha ko.

Unti-unti ko siyang tinulak palayo para makaalis na siya. I want him to go now kasi baka kung magtagal pa siya, hindi ko na talaga siya mabitawan.

"Sige na. Uulan na oh." tumingala ako sa langit para makita niya ang tinutukoy ko.

Nang tumingin ako ulit sa kanya, ngumiti ako. Kahit sobrang sakit na, ngumiti pa rin ako.

Tipid lang siyang ngumiti at unti-unting tumalikod sakin. Unti-unti siyang naglakad palayo sakin. Unti-unti siyang lumiliit sa aking paningin.

Bago siya sumakay sa kotse niyang nakaparada sa gilid ng kalsada, nilingon niya ulit ako. I smiled my most genuine smile. Hurt but genuine smile.

Nginitian niya ako pabalik.

"I love you. Don't be afraid to be happy." pahabol niyang sigaw bago sumakay sa sasakyan niya.

He rolled the windows down at nilabas ang kamay niya, kumakaway sakin. Umandar na ang kotse at unti-unting umaalis pero kumakaway pa rin siya.

"I love you too." bulong ko kahit hindi niya na ko maririnig. "I love you too."

We really tried to make our relationship work. But I guess the heavens had already decided that they don't want us together. We fell. We crumbled down. We lost the battle.

May mga bagay na kahit anong pilit mong mangyari, hindi nangyayari. Kahit anong pilit mong hindi magbago, nagbabago. Kahit anong pilit mong alagaan para hindi masira, nasisira pa rin.

All you can do is accept it. Kahit parang pinapatay ka na sa sakit, kailangan mo pa ring tanggapin.

Will I be okay again? I can never tell. I can only hope.

I really hope.

"Until then, my love."

Then he was out of sight and I was left alone.

Inscriptions of an Inscriber (A Compilation of One-shot Stories)Where stories live. Discover now