Death Bed

20 2 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Death Bed: PROLOGUE

Malamig na simoy ng hangin ang dumapo sa morena kong balat. Tumingala ako sa kalangitan na kung saan ay nagsisimula nang magpakita ang inang araw. Dinama ko ang paligid at hinayaan na lamunin ang sarili sa preskong kulay berdeng kapaligiran. Hindi nakakasagabal ang ingay ng mga manok sa hindi kalayuan sa aming bahay.

Umurong ako at lumayo sa barandilya ng aking teresa. Lumapit sa bilog na mesa at umupo sa gold chiavari wooden chair. Lumapit ang taga-alaga ko sa bahay at nagsalin ng mainit na tubig para sa aking tsaa.

Ilang sandali pa ay humigop na ako dito. Ramdam ko mula sa bibig ko papunta sa lalamunan hanggang sa aking kalamnan ang init ng aking iniinom. Bumabagay ang pagiinom ko ng mainit na tsaa sa malamig na simoy ng hangin. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko. Nagsisimula na silang mangulubot at pumapayat na rin ako. Napabuntong hininga na lang ako sa nasaksihan sa sarili. Mayamaya ay biglang dumating ang isa pang kasama sa bahay at daling dali na lumapit sa akin.

"Magandang umaga po sa inyo, Calixta. Pasensya na po sa abala sa pag-inom niyo ng tsaa," bati niya. "Pero tumawag po ang isa nating driver at sinabing may paparating daw na bisita at hindi niya sinabi kung sino."

"Bisita? Biglaan naman ata iyan, Aling Pasing? Wala naman ata akong natanggap na mensahe na magkakaroon ng bisita si Calixta?" nagtatakang tanong ng aking dalagang tagapag-alaga.

Hindi ko na pinakinggan ang salitan nila ng pagtataka. Wala naman talaga kaming natanggap na mensahe na magkakaroon ako ng bisita na biglaan. At kung mayroon man sana ay idadaan muna nila ito sa aking tagapag-alaga na si Vina at ipagbibigay alam sa akin kung papatuluyin ko ba sila dito sa aking bahay.

Pero nawala ang aking bahala sa bisita na iyan dahil iba ang pakiramdam ko. Nang marinig ko ang sinabi ni Pasing ay hindi ako nakaramdam ng galit nang hindi nakarating sa amin ang mensahe bagkus ay nakaramdam ako ng kaba at tuwa.

Hanggang ngayon ay nagsasalitan pa rin sila ng salita at iniisip kung sino man ang bisitang darating. Lumayo pa sila sa akin para hindi ko marinig pero rinig na rinig ko sila sa lakas ng kanilang bulungan.

Dahan dahan akong tumayo at ibinalanse ang katawan. Naalarma sila at kaagad akong nilapitan at inilalayan. "Let's go at maghanda na tayo," sabi ko. Nakita ko ang gulat sa kanilang dalawa. Umirap ako at tumawa ng bahagya.

"Calixta," si Vina, "Remember, hindi ka po tumatanggap ng kahit sinong bisita nang hindi dumadaan sa akin."

Sumang-ayon si Pasing, "Oo nga po, Calixta."

Hindi ko sila pinansin bagkus ay nagdire-diretso sa walk-in closet ko. Humabol sila sa akin na para akong mawawalan ng balanse ano mang oras. Inalalayan nila akong dalawa sa pagbihis. Ngayon ay nakaupo ako at nakaharap sa full length mirror, nasa paanan ko si Pasing at sinusuotan ako ng sandalyas habang si Vina ay nasa likod ko at inaayos ang itim, kulot sa dulo at maitim kong buhok.

Tumili si Vina sa likuran ko, "Walang kupas ang kagandahan mo, Calixta!"

"Oo nga! Nakakainggit nga!" si Pasing.

"Of course," ang sagot ko sa dalawa.

Nang matapos nila akong ayusan ay nagpaalam na baba at magaasikaso na si Pasing kasama ang iba pang kasama sa bahay. Si Vina naman ay dinala ako sa malaki kong sala sa kwarto at doon binuksan ang television para makanuod ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

death bedWhere stories live. Discover now