Venom Ruined Them

9 0 0
                                    

'Ang Davao City ngayon ay nasa Modified Enhanced Community Quarantine sa pahayag na sinabi ni Mayor Sara Duterte. At kahit naka MECQ na tayo mga Davaoeños kailangan paring magsuot nang face mask at magsanitize palagi-"

Sabi sa television na pinapanood namin, atsaka GMA nalang ang meron kasi pinatanggal nang kongreso ang ABS-CBN. Sayang, fan pa naman ako ng programa nila.

"Salamat sa Diyos at MECQ na dito sa Davao" Sabi ko.

Matagal-tagal ring nakatambay sa bahay, puro kain at nood ng television lang ang nagagawa.

"Oo nga anak, kaso hindi ka parin pwedeng gumala. Hahahaha!" Sabi ni Mama.

Kasi naman kating-kati na akong lumabas ng bahay. Yun nga legal na nga ang edad kaso 'di qualified sa protocol na age, kaimbyerna.

"Mama naman, porket nakakalabas ka. Nangbu-bully ka na sa akin."

"Anak, kasi naman kahit MECQ tumataas pa rin ang porsyento ng Covid cases sa atin. Kaya mas mabuti kung dito ka nalang sa bahay at tumulong sa gawaing bahay" puna ni Mama.

Yun lang naman talaga ang magagawa dito. Linis doon, linis dito. Tapos araw-araw naglalaba.

At nagse-cellphone paminsan-minsan kasi kapag nakita kang nakatihaya lang tas nagse-cellphone, tatalakan ka na naman. Kesyo wala kang ginagawa puro cellphone,kainis.

Buti sana kung mayroong klase kasi mas gusto ko sa school nalang tumambay kaysa sa bahay, puro utos kasi.

"Ma, punta muna ako kila Sorcha may ipapapgawa ako sakanya."

Si Sorcha ay pinsan ko. Magkapitbahay lang kami at nasa iisang compound lang.

Puro magkakamag-anak kaming nakatira dito at si Sorcha ang bestfrend/ pinsan ko kaya close na close kami non.

"Sige Anak, huwag ka lang tatagal at baka mayroon akong ipag-uutos sayo."

"Opo, 'Ma" sabi ko na nanlulumo

Oh diba hindi pa ako naka-alis may quota na akong utos. Nako naman, diba!

"HOY! Senity ang baboy mo na! Hahahaah!" pambungad ni Sorcha nang marating ko ang gate nila.

"Mas baboy ka rin, Sorcha. Alis nga at dadaan ako."

"Wow naman, bahay mo? Bahay mo ito? Hiya ako sayo bebe."

"Edi mahiya ka, hahahaha."

Ganito kami palagi, simpleng asaran kapag nag pupunta sa mga bahay namin. Minsan nga sinabi pa sa amin na para kaming mga aso sa ingay nang bunganga pag nagsasalita.

"Oi pa-edit ako, Sorcha. Para sa task nung Founder namin sa group page."

"Ano naman ang klase ng e-edit ko?

"Pang group chat na photo, search ka nang ice tiara, tapos lagyan mo nang text na Gems League tapos Queen Ice, ganon"

"Ah sige, wait search ko. Ito okay ba na tia-"

"Noona- Noona tingnan mo may bago ako laruan. Ganda no"

Siya nga pala si Chenon, 3 years old na lalaking kapatid ni Sorcha tapos pinsan ko rin

Noona. Korean word nang Ate. Tinuraan namin siya na Noona ang itawag sa akin para maiba.

Oh diba feeling nasa Korea kami, Hahahahaha.

"Opo, Baby Chenon. Sige na laro ka muna sa loob. Okay?"

"Okay po, Noona. Pero si Ate Chorcha? Laro kami, pweees?"

Bulol pa minsan si Chenon kaya ganyan ang pagsasalita, ka-cute masyado.

"Chenon, mamaya na may pinapagawa pa si Noona kay Ate, kaya later na baby ah?"

Venom Ruined Them (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon