EPILOGUE

26 5 2
                                    

Napagod ako sa buong araw na pagtatrabaho at pagkatapos pa nga nun ay dinalaw ko pa sa puntod nya ang aking mahal na asawang si Anabelle.





Dalawang taon na din ang nakalilipas magmula nang mawala sya sa amin at dalawang taon na din ang nakalilipas magmula nang lisanin ko ang sumpang bayan na iyon.






Wala na akong balita tungkol sa mga naging kaibigan ko doon ngunit nitong nakaraang buwan lamang ay napag alaman ko mula kay Mang Karding na patay na raw si Leo nung taon din na nilisan ko ang lugar na iyon.






Nagulat ako sa nangyari. Tinanong ko sya kung bakit at sino ang pumatay ngunit ang sabi lamang nya ay hanggang ngayon hindi pa din malaman kung sino ang pumatay basta nakita nalamang daw na nakahandusay ang katawan nito sa sahig ng kanilang kusina.







Sabog ang ulo dahil sa pagkakabaril.






Hindi daw malaman kung sino ang suspek ngunit maraming nagsasabi na ang binata daw na lalaki na nakita din ng ilang mga kapit-bahay noon na nakatira din sa bahay nila Leo.






Ngunit sino ang binatang lalaki na iyon?






Mabuti nalamang din talaga at nilisan ko na ang bayan na 'yon.







Sumpa ang lugar na 'yon!








Paakyat ako ng hagdan upang dalhan ng tinimpla kong gatas ang aking anak na si Arianne.






Pagbukas ko ng kwarto nya ay naabutan ko syang nakatalukbong ng kumot at nakahiga sa kama.






"Anak.." Tinanggal ko ang pagkakatalukbong nito ng kumot. Mabilis na yumakap ito sa akin na tila takot na takot.




Ipinatong ko na muna ang baso ng gatas sa table tabi ng kama nya.






"Bakit, baby? Anong problema?" Mahinahon kong tanong dito. Kumalas sya sa pagkakayakap nya sa akin bago tumingin sa aking mga mata.






"Sshhhh.." Itinapat pa nito ang daliri nya sa munting bibig nya na parang pinagbabawalan akong mag ingay.







"May monster sa ilalim ng bed.." Mahinang bulong nito sa akin. Kunwari ay nagulat ako pero alam kong bilang bata ay kung ano ano ang nasasabi nya.






"Osige, dito ka lang. Iki-kill ni Papa ang monster.. okay ba 'yon?" Pagpapakalma ko sa kanya. Nakita ko syang tumango bago ako dahan dahang lumuhod sa sahig at yumuko upang silipin ang 'monster' daw..







SHIT!!


Ganon nalamang ang gulat ko nang makita ko ang anak kong si Arianne na takot na takot na nagtatago sa ilalim ng kama.






"Sshhhh.." Pagbawal nito sa akin habang mahigpit na yakap yakap ang maliit na teddy bear nito.





Kitang kita ko ang malaking takot sa kanyang mga mata habang nakadapa at nakatingin sa akin.









"M-May.. monster po sa ibabaw ng bed." Sumbong nito na halos maiyak na dahil sa takot.





Kinakabahan man ako at labis na naguguluhan ay buong tapang kong dahan dahan muling tinignan ang batang iyon na nakaupo lang kanina sa kama ng aking anak!











TNGINA!!!





Nanginginig ako at ganon nalamang ang pandidilat ng aking mga mata nang makita ang taong nasa ibabaw ng kama!









Maitim ang mga mata nito na halos hindi mo mawari kung meron pa nga bang mga mata habang ang mga ngipin nito ay matatalas at may tumutulong mga malalapot na laway!






"TNGINA!"





Malakas kong muling mura nang makilala ko kung sino ang demonyong ito!!





Ang anak ng dati kong amo!!








BUHAY PA ANG BATANG SI LILITH!!!

--

WAKASLollybam

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

WAKAS
Lollybam

LILITH✓Where stories live. Discover now