" KABANATA 2"

37 36 4
                                    


Maraming tao na bumibili, maraming bata na naglalaro, may mga tao na hinihikayat na bumili sa kani-kanilang paninda,at may mga tao na nagbebenta ng mga pagkain, damit, gamit, kasuotan at iba pa - tulad namin.

Ang sikip ng lugar nato pero sanay na ako, dito ako lumaki, dito kami nakapaghanapbuhay, ito ang dahilan kung bakit nabubuhay kaming lahat.

Ang Lungsod ng SIERRA. Dito lahat ng tao na may kaya o kayang ipagbili ang kanilang mga gusto.Maraming tao na nagagalak dahil maraming turista ang pumupunta na galing pa sa ibang lugar.

Heto kami ngayon ni Lola sa puwesto namin. Dapat maging alerto ka sa paligid mo dahil hindi natin alam kung mga tao na nangunguha ng mga paninda.

Mga kasuotan, gulay at mga proselas na orihinal na gawa ko ang benta namin. Salamat at hindi gaanong mainit ang paligid.


Salamat mahal na araw.


Kumuha ako ng tubig sa banga na nasa tabi ko. Sinalin ko sa baso at papainumin ko muna si Lola, baka uhaw na siya.

"Lola inom ka po muna ng tubig" bigay ko kay Lola sa dala kung baso.Nasa likod lang ako ni Lola, binabantayan ko siya baka mapagod siya ako na lang muna ang magbebenta.

"Salamat apo" kinuha ni Lola ang baso.

"Gutom na po ba kayo, may dala akong tinapay doon?" tanong ko kay Lola. Makikita mo sa  paligid na  kapwa may ginagawa.

"Ayos lang ako apo" sagot ni Lola.

"Si Lola talaga"


Maraming dalaga at binata na pumipili ng mga kasuotan dahil may impotanteng anunsiyo ang palasyo kaya handang-handa sila.


Ang Lungsod na to ang tinuturing na pinakamalaki ang pinakamaganda na lugar sa buong mundo. Ang mundo ng ERRIANA, tinatawag ang lahat sa salitang iyan kung ikaw ay isang angkop na tao o naninirihan ng mundo ito. Hindi ko pa alam ang mga bagay-bagay sa mundo nato, may masasagap din ako na impormasyon na pitong kaharian ang nakapalibot sa lugar na to.Nakuwento sa akin ni Lola na ang Lolo ng Lolo niya ay nasilayan pa raw  ang nangyayari sa mundo na nabibilang namin. Isa lang daw ang kaharian noon, nang dahil sa hindi inaasahang pangyayari nahati ang isang malaking lugar sa walo at nabibilang kami sa gitna na kaharian ngunit malayo pa sa palasyo na nandoon ang totoong tagapangalaga ng kaharian. Wala na akong ibang nasasagap na impormasyon dahil hanggang elementarya lang ako natapos ko noong buhay pa ang aking mga magulang. Nami-miss ko na sila, mga araw na masaya ako kasama sila, pumupunta kami sa lugar na maganda, at magluluto ng mga masasarap na pagkain. Nakalulungkot isipin ngunit wala tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan.

'MAKINIG ANG LAHAT!!'

Nagulat ang lahat na may mga malaking tao na may ibang kasuotan na may dala-dalang kabayo. Mga tatlo ang nasa unahan ang lima ang nasa likod nito. Nagsihawi ang mga tao. Seryoso na nakikinig.

"DAHIL SA UTOS NG MAHAL NA HARI, MAY PANIBAGONG IMPORMASYON ANG AMING IANUNSIYO SA INYONG LAHAT"

Nakamaskara ang nag-aanunsiyo ngunit kitang-kita ang mata nito. Inikot niya ang kaniyang paningin sa mga tao at nagulat ako nang ihinto niya ang kaniyang paningin sa akin. Hindi ko alam kung akin siya nakatingin pero may nakita akong saya sa kaniyang mga mata. Anong nangyari sa kaniya?

Binalewala ko lang iyon baka namamalikmata lang ako.Pagtingin ko sa kaniya sa iba naman siya nakatingin. Namamalikmata lang siguro ako.

"MAGPAPASOK NG MGA BAGO AT SUWERTENG ESTYUDANTE SA AKADEMYA NGUNIT MAY MGA NAGBABAGANG PAGSUBOK ANG INYONG TAHAKIN PARA MAKAPASOK  DITO "

LE VIOUR ACADEMY (on-going) Where stories live. Discover now