Hindi ko alam kung bakit naging batayan sa pag-ibig ang estado ng bawat isa. Hindi ba pwede ang mayaman ay pwede sa mahirap at ang mahirap ay pwede sa mayaman? Bakit kailangan ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap ay para lang sa mahirap.
I can't understand why status is important. Palabas na ako ng simbahan dahil kakatapos lang ng misa, gaya ng aking nakasanayan, ako'y nakatanaw sa isang pamilyang pasakay ng magarang sasakyan.
Sabi nila walang masama sa mangarap kaya palagi akong nagsisimba at nagdasal para sa aking mga pangarap.
"Balang araw magkaroon din ako ng kung ano ang mayroon sila"
"Felley, anak hali kana umuwi na tayo" yaya sa akin ni Mama.
"Ma, ano kayang feeling maging mayaman?"
"Felle napagusapan na natin to diba? Tama na ng ganyan"
Ganito palagi ang sagot sa akin ni Mama. Ayaw niya kasi makarinig ng kahit ano basta may konektado sa mayayaman.
Siya nga pala si Felecia Albaya ang aking pinakamagandang ina.
Nasanay na ako sa aming buhay. Hindi man kami mayaman pero nakakain naman kami ng katatlo sa isang araw. Pinagkaitan man ako ng magandang pamilya pero sapat na sa aking ang matiwasay na pamumuhay kasama ang aking ina.
"Felley, huwag mong kalimutan kumain ng pananghalian ha at ako na ay papasok sa trabaho" bilin sa akin ni Mama.
"Sige ma, mag ingat po kayo" sabi ko at hinatid siya sa pintuan. Nakatrabaho si Mama sa isang parlor bilang manicurista. Sapat lang ang sahod niya sa gastusin namin sa araw-araw.
Nagiisa nanaman ako dito sa bahay. Walang magawa kaya tumunganga nalang. Ganito palagi ang aking gawain kapag summer. Pagtapos mag linis ng bahay ay magbabasa ng aklat o matutulog.
Hapon na ng umuwi si Mama galing sa kanyang trabaho.
"Felley, anak malapit na ang pasukan mo. Isang taon nalang at mag college kana. Wala kapa bang plano kung ano ang kunin mong kurso?"
"Ma, mamaya na yan uunahin ko munang tapusin tong senior high at saka na ako magdedesisyon"
Mag grade 12 na ako sa nalalapit na pasukan. Hindi man kami mayaman pero nakatanggap naman ako ng scholarship sa isang pribadong paaralan dito sa Mulao.
"Nak, ilang araw nalang at magsisimula na ang pasukan di ka pa ba maghahanda?"
"Ma naman eh mas excited kapang pumasok kesa sa akin" yamot kong sabi.
Totoo naman ang sinabi ni Mama. Dalawang araw nalang at magsisimula na ang pasukan pero hindi parin ako handa.
Pagkagising ko ng kinabukasan ay maagang pumasok si Mama sa kanyang trabaho.
"Ano naman kaya ang magandang gawin ngayong araw."
Papunta na sana ako ng kusina nang may nahagilap ang aking mata na dyaryo.
"Pagkatapos ng trahedya ay nagbalik na ang mga Alcandres sa bansa" basa ko sa isang dyaryo.
Nagbalik na pala ang mayamang pamilya sa aming bayan matapos ang trahedyang iyon.
"Felley, nagbalik na sila" bungad sa akin ni Mama pagkauwi niya galing trabaho.
"Oo, ma nabasa ko nga sa dyaryo" walang gana kong sabi.
"O siya sige matulog kana ng maaga dahil may pasok kana bukas"
Papatulog na ako ng matandaan ko ang dyaryo na aking nabasa kanina.
"Bakit pa kayo bumalik" huling sabi ko bago makatulog.
Pagkatapos kong maligo at kumain nang almusal ay nagbihis na ako at naghanda ng aking sarili para pumasok.
"Kaya ko to at kakayanin ko to!" parang ritwal kong sabi sa harap ng salamin habang nag aayos ng aking uniporme.
Ako nga pala si Marya Fellen "Felley" Albaya, at dito nagsisimula ang aking storya.
