KABANATA 1: HIS PLACE

4 0 0
                                    


"Enjoy yourself, Hailey." Napailing na lang ako sa kanya. Tss, tell me Andrius, how to enjoy when I have so many damn patients waiting for me tomorrow.

Tinititigan ko lamang ang baso na may lamang alak. Kung wala lang akong pasyente bukas ay maari kong mapagbigyan ang hiling niya. Nang tingnan ko ang dance floor, lahat ng tao ay bigay bigay. Mayroong mga nagsasayaw, mayroong naghahalikan sa gilid. Ang iba naman ay akala mo'y may humahabol sa kanila nang tunggain nila ang isang bote ng alak.

Sa kabilang banda naman, ang mga kaibigan ko ay may kanya kanya ng kasama. Tss, paniguradong ako na naman ang driver at mag aasikaso sa kanila. Sumimsim ako sa aking baso, lumapit naman muli sa akin si Andrius. I guess, para manggulo.

"Ano? Ganyan na lang? Go to dance floor. Don't worry, babantayan naman kita kung sakaling may bumastos sayo." Aniya at muling nagsalin sa ng alak sa aking baso.

"Oh, Hailey. Ngayon lang naman." Oh, Andrius, napakadalas naman ng ngayon lang.

Napailing na lang ako sa kanya, "Kada Biyernes laging 'yan ang linya mo. Wala bang bago?" Aniya ko at ngumisi.

Humalakhak naman siya bilang tugon. Halatang may tama na rin ang isang 'to, buhat pagkadating ba naman naming ay lumaklak na 'yan ng alak. Hindi na ako magtataka kung mamaya ay may kanya na rin siyang kasama.

"Look at Devora..." turo niya at tiningnan ko naman ang pwesto ni Devora. She's with this guy on the couch at kung saan saan na lumalakbay ang kamay ng kasama niya. Para bang may sarili silang mundo, balewala ang napakaraming tao sa lugar.

"She enjoys herself. So, loosen up dude. Walwal now, work tom. Easy potato." He gave me a drink. Tinanggap ko naman ito at tinitigan.

"Dude, drink and enjoy!" pangungumbinsi niya pa rin sa akin. Agad naman akong uminom. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"So, see you later." Tumayo na ako at lumingon muli sa kanya at kumindat. Tumawa lamang siya at sumenyas na sige na pumunta na ako sa dance floor.

"I'm watching!" sigaw niya at sumimsim muli sa kanyang baso.

Tumungo na ako sa gitna kung nasaan ang mga taong mga lasing, na paniguradong mamaya ako kabilang na ako. May mga lumalapit sa akin pero lumalayo naman ako. Hindi ako katulad ni Devora at Andrius na magaling lumandi kapag nasa bar. Sa aming tatlo ako 'yung nananatili lamang sa couch, habang silang dalawa ay abala sa paghahanap ng makakamomol.

Uminom muli ako para magkaroon ng lakas ng loob na sumabay sa hype ng mga tao dito. May mga nakakabunggo sa akin pero binabalewala ko na lang. 'Yung iba ay mga nagtatanong ng number at pangalan.

Unti unti ng tumatama sa sistema ko ang alak kaya naman nang may makadanggil sa akin ay nasinghalan ko. Paano ba naman kasi, hindi man lang nagsorry. Eh, muntikan na akong matumba dahil sa kanya.

"Hey, asshole!" sigaw ko at agad naman siyang lumingon sa direksyon ko.

Tinitigan lamang niya ako at maya maya ay sumilay na sa kanyang ang labi ang malaki niyang ngisi, na agad namang napaikot ang aking mga mata. Ugh, nakakasuka ang ngisi niya, sinisigaw nito kung gaano kayabang ang pagmumukha niya.

"You! The guy on a black dress shirt." Sigaw ko sa kanya habang nakaduro.

Tinuro naman niya pabalik ang kanyang sarili habang nakataas ang kanang kilay. Humihingi ng kompirmasyon kung siya ng aba ang tintukoy ko. I just rolled my eyes and nod my head to give him a sign na siya nga. Sumenyas naman ako gamit ang aking kanang kamay na lumapit siya sa akin.

Noong una ay hindi pa siya humakbang at nakipaglabanan pa ng tingin sa akin, nang pandilatan ko siya ng mata ay wala pang isang segundo ay humakbang na siya papalapit sa akin. Nakataas ang kilay at nakakrus ang mga braso sa dibdib ko siyang pinanood papalapit sa direksyon ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Twisted Love StoryWhere stories live. Discover now