Napunta ang labi nito sa pisngi ko at mas lalo niya pa akong binaon sa katawan niya. Sa isang iglap ay nalulunod na ako sa ginagawa niya. Kulang nalang ay magdugo na ang palad ko dahil sa pagkakasara ng kamao ko.
"A-Ang akala ko ba gawin ko na ang dapat kong gawin pagkatapos ay magpahinga na?" nagawa kong ipunin ang lakas ko saglit para kunin ang atensyon niya. Narinig ko ang mahina nitong tawa at bago pa lumayo ay hinalikan muna nito ang noo ko.
"I'm sorry," he mumbled, but I saw his eyes glistened, and it was lust and desire. I forced myself to smile for him not to worry, and after that, I shifted my eyes away from him.
Bigla namang sumagi sa akin ang sinampang kaso kay Morde at iyon nalang ay ginawa kong paraan para mabasag ang unti-unting nabubuong katahimikan sa aming dalawa.
"Des..." tawag ko sa kanya.
"Hmm?" saglitan niya akong binalingan ng tingin habang kumukuha ng plato niya para makakain na. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil naalala ko na naman ang itsura ni Tita Liyelle na basang-basa. Kung nakikita lang ni Morde ang sitwasyon ng nanay niya ay paniguradong masasaktan siya.
"Nagsampa ng kaso 'yung mga kapatid ni Tito Maximo, napunta na sa korte ang kaso," usal ko at nakita ko siyang natigilan pero kumunot ang noo ko nang umangat ang sulok ng labi nito. Dahil doon ay namuo saglit ang inis sa sistema ko na para bang gusto niya ang nangyayare.
"Why are you smirking?" I asked and secretly gritted my teeth.
"Tama nga ang hinala ko, Eliza. Hinintay lang ni Morde na umabot sa korte ang kaso ng tatay niya para doon niya patunayan na inosente siya."
Paano naman niya nasabi 'yun? Ang akala ko pa naman ay pati kaibigan niya ay tinuturing niya na rin na isang kriminal pero alam niya na pala ang binabalak nito. Hindi pa naman siya sigurado kung may nakuha ng ebidensya si Morde kaya may posibilidad pa ring akusahan siya.
"I know my best friend, Eliza. Kung pinaglalaruan siya ng pumatay kay Tito ay makikipaglaro rin siya," he's confident because they have been friends for a long time but I'm still worried that Morde might end up just like me.
"So, he will defend himself?"
Tumango siya sa akin bilang sagot pero sa isang iglap ay biglang sumagi ang tanong sa aking isipan kung alam ba ni Morde ang ilegal na negosyo Desmond. Sabi niya matagal na silang magkaibigan kaya imposibleng hindi ito alam ni Morde. Pati rin ba siya nag-sinungaling sa akin?
"He's a lawyer. He has the right to defend what is being accused of him."
"Pero si Tita Liyelle..." kumunot ang noo niya dahil nabanggit ko ang nanay ni Morde. Naiipit na sa sitwasyon si Tita Liyelle at ngayon na mag-isa lang siya sa bahay niya ay nag-aalala ako. Kahit isang gabi lang sana ay payagan niya akong doon muna matulog.
"What's with Tita?" he questioned. I bit my lower lip while fidgeting my fingers.
YOU ARE READING
Taming The Superiors
Romance[UNEDITED] A patricide issue made the Fontanilla family be the number one's most hot topic in the news and media, many reports and rumors are spreading that Vellity Eliza Fontanilla killed her father at the age of 18 that made her imprisoned for eig...
Chapter 38
Start from the beginning
