Chapter 3: This is it.. JS Prom

28 1 0
                                    

Dumating na araw ng Prom namin. It's already February 14. Andito na rin sa bahay yung magaayos ng sakin.  naka'contact lens lang ako ngayon. Andami niyang sinasabi na gagawin daw niya sa buhok ko. tas pinapapili niya pa ako ako kaso hindi ko naman siya naiintindihan. Ang sabi ko na lang sa kanila bahala na sila basta yung babagay. 

Tanggap ko na wala talagang sasayaw sakin kasi loner ako, nerd at higit sa lahat hindi naman ako kagandahan. Kaya nga hindi nakakagulat na hanggang ngayon, eh, NBSB o No Boyfriend Since Birth ako. Kaya nga isa yun sa dahilan kung bakit wala akong partner ngayon JS. Oo, aaminin ko, naiinggit ako sa mga kaklase ko na may ka-partner kasi may sigurado na silang kasayaw.

Nagulat na lang ako dahil biglang may isang lalaking lumapit sakin sa kinauupuan ko at nag-lakas loob na tanungin ako kung pwede daw ba niya ako maisayaw. Sa gulat ko hindi ako agad naka-sagot sa tanong niya pero bigla naman siyang umubo kaya bigla rin ako natauhan. Syempre naman hindi ko na pinalampas ang pagkakataon pumayag na ako.

Habang nasa gitna na kami kinikilig ako. Ewan ko ba kung bakit pero mukhang na-inlove ata ako sa kanya ng hindi oras. Nang matapos na kaming sumayaw inihatid niya ako sa upuan ko at tinabihan niya ako. Nakipag-kaibigan na din siya sakin. Siya nga pala si Neo.

Sobrang nakakatuwa kasi nang dahil sa JS Prom hindi ko inakalang may sasayaw sakin at higit sa lahat nagkaron na naman ako ng bagong kaibigan.

Natapos ang Prom namin na kaming dalawa lang ang magkasama walang sawang kwento lang ang ginawa namin. Nagkuhaan ng mga kanya kanyang number at nagpaalam na para umuwi.

Naka-uwi ako ng bahay ng may ngiti sa aking mga labi. Hindi ko maitatago ang sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. Para bang pakiramdam ko eto na ata ang pinaka-magandang bagay na nangyari sa buhay ko.

Habang naka-higa ako sa kama ko biglang tumunog ang phone ko dahil may nagtext at nang tingnan ko nagulat ako dahil siya ang nagtext ewan ko ba pero bigla akong natuwa. Kinikilig ako sa text niya dahil ang nakalagay ba naman dito ay

"Hi! Neo here! :) Nakauwi ka na ba? Thanks kanina kasi pumayag ka na isayaw kita tska pumayag ka din na makipag-kaibigan sakin. Grabe ang saya mo pala kasama. Hindi ko inaasahan na ganun ka pala kasaya kasama. Sorry kasi ang daldal ko sobra kanina nakakahiya tuloy sayo ngayon pa lang naman tayo naging magkaibigan.".

Sa sobrang kilig ko natagalan ako magreply. Tumunog tuloy ulit yung phone ko pag-tingin ko siya ulit. At ang sabi naman niya

"Hi ulit! :) Tulog ka na ba? Sorry sa istorbo ha? Okay lang kung tulog ka na bukas na lang kita ulit itetext. Good Night na din! :) ".

At syempre kinilig na naman ako ng sobra pero this time naman nag-reply na ko. Ang sagot ko sa kanya

"Hello! :) Sorry late reply. Oo, naka-uwi na ko. Okay lang yun. Sabi ko nga sayo hindi ko inaasahan na may magsasayaw sakin eh. kaya thanks din. Okay lang sakin kahit sobrang daldal mo kasi magkaibigan na tayo ngayon diba? Tsaka grabe hindi mo alam kung gano mo ko napasaya ngayon gabi kaya sobrang thank you! :) Hindi pa ako tulog, pa-tulog pa lang sana."

Nagreply naman din siya agad after ko magtext.

" Hahaha! Sige tulog ka na! Bukas na lang tayo text. Thanks sa time. :) Good Night Therese! :) "

" Sige. :) Good Night din Neo! :) "

-------------------------------------

Yung nasa side na picture yung Cocktail Dress, Make-up & Hair style na ginawa kay Therese para sa Prom nila.

First Dance <3Where stories live. Discover now