CHAPTER 1

12 0 0
                                        


Ang saya saya, we're complete nandito kasi kami sa bukid kung saan kami nagpipicnic ngayon. Our family is the best gift i've ever received today because it's my 8th birthday and i'm grateful that we are celebrating with my siblings and parents.

Nakikita ko yung yaman na meron kami bukod sa mga ari-arian ng mga magulang ko na meron sila. Which is 50 hectares ng bukirin, na mula dito sa lugar namin hanggang kung saan yung layo ng tanaw na nakikita namin is ganun kalawak ang bukirin na pinamana sakanila ng mga magulang nila sakanila.

Isang magsasaka si papa na siyang namamahala sa lahat ng bukirin na meron kami, pero may mga kuya akong mas nakakatanda na sila naman ang tumutulong sa aming ama yun ay si Kuya Eric at Kuya Bon. Kung iisipin  simple lang ng buhay na meron kami, dito kasi sa probinsiya mayaman kana kapag may sarili kang bukirin o malalawak na lupa sa lugar niyo. May kaya naman kami, kaso yung buhay na kinalakihan namin ay hindi lahat ng luho ay nakukuha ng walang kapalit o pagod dapat ito'y paghirapan at mas inuuna ang kailangan at hindi ang pansariling kagustuhan.

Ang pinaka-yaman na meron ang pamilya namin ay maipagmamalaki naming sobrang saya at buo ang pamilya na meron kami. Kaya naman kasalukuyan ang saya sa araw nato, sobrang sarap sa pakiramdam na may pamilya akong ganito. Habang nagsasaya ako muna ay nagninilay nilay hindi kasi ako palaimik na tao, unless kung kakausapin o ikaw unang kakausap sakin.

Nasa kubo silang lahat, sobrang sarap ng simo'y ng hangin. Napaka-dami rin ng handa na animo'y may fiesta ganyan kasi si Mama sobrang effort, mapagmahal na asawa at maalagang ina. Halos katatapos lang kasi ng anihan at maganda ang ani ng taon na to para sa amin kaya naman sobra ang saya ng lahat.

Nagulat nalang ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran "Benjamin anak, Maligayang Kaarawan sayo! Parang kailan lang nung ang liit liit mo pa pero ngayon nagbibinata kana. Sana makita pa kitang paano ka manligaw o umiyak pagdating sa babae" hindi ko maintindihan ang nararamdam ko sa oras na yon! Habang hawak hawak ni Mama ang kamay ko na nakaharap sakanya, "Anak, ipangako mo na pagdating ng araw na maiinlove ka sa isang babae wag na wag mong sasaktan kundi ay mahalin at alagaan mo tulad ng pagmamahal at pag-aalaga ng Papa mo sakin" bakit sinasabi ni Mama ang mga bagay nato, alam kong kaarawan ko ngayon dapat masaya ako pero bakit nakakaramdam ako ng takot at lungkot sa bawat salitang binibitawan niya.

Pagkatapos non ay niyakap ako ni Mama ng napaka-higpit, ganito kasi kalambing si Mama sa amin na mga anak niya kaya hindi ako magtataka kung bakit siya minahal ni Papa bukod sa maganda ay siya yung babae na hindi ko man lang kahit kailan nakitang nagalit samin. Sa mga oras na yon, parang gustong gusto ng katawan ko na wag ng umalis sa pagkakakapit sa yakap niya subali't "Ang daya niyo naman Mama at Kuya sama ako" pagtatampo at lapit ng bunso namin na si Bella na mas matanda lang ako ng dalawang taon sakanya.

"Dapat kasama din kami" sumbat ni Papa na kitang kita mo sa mga mata nila kung gaano sila kainlove hanggang ngayon sa isa't isa kahit na may pito na silang anak. Kaya naman naggroup hug kaming lahat, hindi na ako nakapag salita pa kung hindi ngumiti nalang kahit na may bumabagabag sakin. " I love you mga anak, I love you Pa" "Mas mahal na mahal ka namin Ma" parang ayaw ko ng matapos ang oras nato na sobrang swerte ko kasi ganito namin kamahal ang isa't isa.

Kuwento dati samin ng mga magulang namin, sobrang bata pa nila noong sila'y magpasyang magsama na tutol ang mga magulang ni Mama. Simula kasi ng maging magkasintahan sila'y sobrang hirap para sakanila na magkita o magsama dati, naging magkaaway kasi dati ang tatay ni Mama at tatay ni Papa dahil sa lupain kaya naman hindi sang ayon ang magulang ni Mama na maging kasintahan niya noon si Papa.

Dahil nga sa talagang Mahal nila ang isa't isa, nagsama sila at walang halong pagsisisi si Mama na lagi niyang sinasabi na maswerte siyang si Papa ang napangasawa niya dahil sa sobrang sipag neto at walang bisyo kaya di nagtagal nung una sobrang galit ang magulang ni Mama pero dahil sobrang mahal nila si Mama wala na silang nagawa sa huli at dumating na sa puntong namanhikan na si Papa yun na rin yung araw na nagkasundo ang mga magulang nila at tinapos ang alitan sa bawat isa.

LIFETIMEStories to obsess over. Discover now