C h a p t e r 9

9.2K 228 59
                                    

"Let's go babe?" inakbayan niya ako at naghintay ng sagot ko.

Did he just call me--babe? "Baliw" tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko at tinangkang buksan ang naka-lock na pinto. Lumabas ako kaagad at tumakbo. Lumabas din agad siya at hinabol ako "Heyyyy babe" pagtingin ko sa likuran ko, anjan na agad siya. Woah grabe, kabayo siya.Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa loob ng elevator. Oh no, not again "Kakaiba ka talaga" sabi niya nung nagsarado yung pinto ng elevator. Yung totoo? Ang magiging setting ng storyang to ay elevator.

Hindi na ako nagsalita. Kinakabahan na naman kasi ako, baka kung anong gawin niya. Sana naman sa oras na to hindi masira yung elevator. Magkakaroon na ako ng trauma ;;

"Do you want to know why did I kissed you last night?" Ang daldal niya. Ayoko siyang kausapin pero bigla akong naging interested sa sinabi niya. Syempre ako ang tinutukoy niya eh. Tiningnan ko lang siya pero I didn't reply.

"Honestly, I was also surprised of what I did. I just felt like kissing you that time" Nag init yung pisngi ko. Wala nang ibang pumapasok sa isip ko kundi yung mga nangyari kagabi.

Ting!

The moment na marinig ko yun agad agad akong lumabas at dumiretso sa parking lot. Sumakay ako sa kotse ko. Pupuntahan ko si Gab ㅠㅠ Siguro galit na galit na yun sakin.  Sorry Gab, hindi ko to ginusto. Hindi ako nanlalalake. Sadyang malandi lang talaga ang lalaking yun. Siguro naman hindi na niya ako susundan diba? Siguro naman, may sarili siyang appointment diba?

Phew.

Mejo relax na ako nung nagddrive ako papunta sa puntod ni Gab. Pero biglang naglaho ang lahat ng iyon ng mapansin ko ang isang pulang kotseng kanina pa sumusunod sakin. Sumusunod pa rin ito hanggang sa sementeryo. Lumabas ako sa kotse matapos ko itong ipark at di na ako namangha sa paglabas niya sa pulang kotseng iyon. Grabe, stalker ko na ata siya.

"Hanggang dito ba naman? Okay ganito, hindi na nga kita idedemanda kaya oks na, wag mo na akong sundan " tinalikuran ko siya matapos kong sabihin yun.

Narinig ko ulit ang nakakapangasar niyang tawa "Don't assume babe" binuksan niya ang likuran ng kotse niya at kinuha ang isang boquet. Wait seryoso? M-may dadalawin ba siya dito ? ╯▂╰ Nakakahiya mang aminin pero mukhang may dadalawin talaga ata siya dito. Mas ready pa nga siya eh, may bulaklak pa.

Dahil nahiya at nainis na ako, di ko na siya pinansin at naglakad na ako papunta sa puntod ni Gab. Naupo ako sa damuhan. Natatakpan na ng nga tuyong dahon yung lapida niya kaya tinanggal ko.

"Sobrang namimiss na kita" nalulungkot talaga ako sa tuwing pumupunta ako dito. Hanggang ngayon, mahirap pa rin para sakin ang lahat. Pinagmamasdan ko lang yung larawan niya na nasa lapida. Bigla kong naalala yung tanong ni Kai kanina. Kahit pala tulog ako, hinanap ko pa rin si Gab ㅠㅠ

Napalingon ako sa paligid. I was puzzled nang makita si Kai na nakahiga sa damo katabi ng lapida ng dinadalaw niya. He somehow reminds me of someone-- and I think I was right, it's him /refer to Chapter 6/

If i'm not mistaken, tiningnan ko pa ang pangalan nun. I can't remember the name but she's a girl. Nahiga na rin ako sa damuhan. Simula nang makita kong ginawa niya to, naging hobby ko na rin. Nag iisip ako ng kung anu ano habang nakahiga. Ano bang klaseng tao si Kai? Hindi ko magets ang personality niya. Kapag nasa malayo siya, napaka-intimidating niya. Kapag nasa harapan mo, may pagkamanyak at topak. Ngayon, di ko alam kung bakit nakikita ko siya as a very thoughtful person ╮(╯_╰)╭ hayyy ewan, sobrang weird niya.

"So he's Gab?" Nagulat ako at napalingon sa likod. Shet, ayoko sa lahat ang nanggugulat eh..

"You don't care"

Fifty shades of Kai Kde žijí příběhy. Začni objevovat