Mission #1

92 43 15
                                    

Third Person's PoV

"Celena"

"Yes boss?" may inabot na folder ang boss niya na siyang kinuha naman ni Celena.

"There is a mission for you" saad ng kanyang amo habang nagsisindi ng sigarilyo.

"Ano iyon boss?"

"Make him fall in love with you and then"

"then what?" curious na tanong ni Imperial.

"then break his heart"

-----

Kanina pa iniisip ni Celena ang sinabi ng boss niya kanina, hindi na siya kinabahan dito dahil alam niyang matatapos niya ito ng maayos, wala pa siyang misyon na napalpak, kaya alam niya sa sarili niya na madali lang iyon.

Pagdating sa kaniyang bahay, naalala niya ang folder na binigay ng kaniyang amo, binuksan niya ito at sa unang pahina may pangalang nakasulat. "Lucas Jackson" pag-banggit niya sa pangalan nito.

Agad siyang nag re-search tungkol kay Lucas. Napa kunot ang kaniyang noo ng unti lang ang nakuha niyang impormasyon, ni wala ngang litrato, sa isip-isip niya na baka isa itong mayamang tao o kaya naman isang sindikato, napatawa siya sa kaniyang naisip.

Kinabukasan sa pag lalakad papuntang opisina niya, may nakabunggo siyang isang lalaking, matikas at mapupungay na mga mata.

"Pasensya na miss, sinasadya" sabay tawa ng lalaki. Aambangan na sana niya ng suntok ang lalaki dahil sa kayabangan nito ngunit nawindang siya sa narinig.

"Lucas Jackson" sambit ng kaniyang boss. Napatingin siya sa kinatatayuan ng lalaki, ng wala na ito sa likod niya.

"Siya ba boss?" tanong ni Imperial.

"Siya nga. Simula bukas, gagawin mo na ang misyon mo."

"Pero boss, saan ba siya nakatira? o saan siya nagtatrabaho para malaman ko kung saan ko siya hahanapin"

Pagkatapos ng usapin nila ay pumunta agad siya sa isang subdivision upang tignan ang bahay niya. Maganda, malaki, at halatang galing sa isang mayaman na pamilya.

Napa isip-isip siya kung mahuhulog kaya ang loob ng lalaking iyon sa kanya? o baka siya ang mahulog sa lalaking iyon.

Imposible. Sambit niya habang nakatingin kay Lucas habang may kasamang babae.

Morena, mahaba ang buhok, makinis. Napa isip siya, girlfriend niya kaya yon?

Unexpected Love [ON-GOING]Where stories live. Discover now