Pero ito ang big twist, nung nag-aalmusal na kami, mga 5am. Paglingon ko ulit dun sa base at hagdanan. Walang base at hagdanan. As in wala. Bundok lang siya. So sinabi ko sa lahat. Nagulat kami na wala palang ganun. Hanggang umuwi kami nadaanan ulit namin yung area na yun pero wala talagang base at hagdanan na may railings.

PS. Nakauwi na kaming lahat. Tapos yung isang member namin may kuhang video sa mga barracks. Dun sa video na yun, marami raw mga tao (multo). Tapos pag ipapasa niya sa iba, hindi mapasa or kung mapasa man, black lang ayaw mag-play at ayaw ding ma-delete nung video. Sad lang kasi di ko napanuod yung video.

Yun lang po. Sana may nagtiyagang magbasa haha.

Tasa

Ako si Rica (hindi ko tunay na pangalan), isa po akong college student sa isang state university dito sa Cavite. Dahil malayo ang aming bahay sa campus, napagdesisyunan nila mama na mag-dorm nalang daw ako para na rin makatipid at mas matutukan ko pa ang aking pag-aaral.

Mahilig akong magpunta sa mga ukay-ukay kapag walang pasok o natapos na ang aking klase, di ko kasi afford sa SM dahil ang mamahal ng mga gamit don, di kaya ng allowance ko.

Isang araw habang naglalakad ako pauwi sa aking dorm, umagaw ng aking pansin ang isang tasa na naka-display sa isang japanese store na nagbebenta ng kung anu-anong lumang gamit na galing sa Japan. Nahumaling ako dito dahil sa angkin nitong ka-cute-an.

Ewan ko ba, parang hinahatak ako nito at sinasabing "bilhin mo ako!". Mura ko lang naman itong nabili sa halagang 65 pesos. Naisip kong gamitin nalang ito kesa i-display, ang lakas nya kasing makamayaman.
Lagi ko itong ginagamit, kahit mainit ang panahon lagi akong nagkakape. Paggising sa umaga hanggang sa pagdating ko sa eskwelahan panay ang kape ko. Tila ba parang sinasaniban ako ng kung ano, kulang nalang gawin ko itong tumbler na pwedeng dalhin kung saan man ako magpunta.

Isang araw bago ang exam namin, nakakakilabot na pangyayari ang di ko makakalimutan. Araw ng exam namin kinabukasan, kaya todo review ako non at di na namalayan ang oras, madaling araw na din at medyo inaantok na ako. Kaya nagtimpla muna ako ng kape para magising ang katawang lupa ko. Pinatong ko muna saglit ang tasa sa la mesa para makaihi ako pero laking gulat ko ng pagbalik ko ay isang maputing babaeng naka-kimono ang nakita ko, nakangisi ito habang hawak ang tasang pinagtimplahan ko ng kape.

Hindi ko alam ang gagawin ko, di din ako makagalaw. Para bang napako ang mga paa ko sa sahig, ni sumigaw ay di ko magawa sa sobrang takot kaya kitang-kita ko ang kanyang maputing mukha na sayang-saya sa tinimpla kong kape. Nang maubos ang kape, agad siyang nawala na parang bula. At yun ang naging chance ko para makatakbo at makahingi ng tulong sa mga kaibigan kong kalapit lang ng tinitirahan ko.

Di ko natapos ang nire-review ko, di din ako nakatulog ng maayos. Kaya kinabukasan nagpasama agad ako sa kaibigan ko para kunin ang aking school uniform at gamit. Di ko na din naisipang maligo sa takot kong mag-isa. Alam ko na ang kahahantungan ng exam ko, kung hindi pasang awa, bagsak.

Kinuwento ko sa mga kaibigan ko ang nangyari, kaya sinamahan nila ako sa bahay ko at tinulungang kunin ang tasa na agad naman naming sinauli sa pinagbilihan ko. Sa takot kong mag-isa, ilang araw din silang nag-sleepover sa dorm ko at sinamahan nila akong gibain ang takot na naranasan ko sa tasang nabili ko sa isang Japanese Store. Simula noon di ko na nakita ang maputing babaeng naka-kimono.

Ang aking karanasan noong hindi pa ako Sundalo

Troy nga pala ulit at your service. Bakit sa mga nabasa ko sa mga comment nyo bromance daw kami ni Brad Hen? Natatawa ako dun ha. Hindi po kami bading haha. Ako muna ang taga kuwento nyo, hindi kasi ako nire-reply-an ni Pareng Hen kinukulit ko kasi na magkwento. Magbe-birthday na rin si pare kaya pagbibigyan ko siya.

Scary Stories 5Место, где живут истории. Откройте их для себя