Matiyaga niya 'kong hinintay matapos sa ginagawa ko katulad ng isang masugid na manliligaw. Sinusulyapan ko rin siya paminsan minsan para siguradong lagi akong full charge. Ahihihi.

Nang bumaba na ang araw at natapos na lahat ng script ko, bumyahe na kami papunta sa kanila. Tinext ko agad si Adara dahil hindi ko na napigilan pa ang excitement ko. Balak ko sana siyang sorpresahin kaso baka biglang mapaanak iyon sa gulat. Kasalanan ko pa kapag napaaga ang due ng best friend ko.

Nasa labas pa lang kami ng nakakalula nilang gate ay namangha na agad ako sa seguridad mayroon ang bahay nila. Sa wakas alam ko na ngayon kung saan talaga sila nakatira—at hindi na lang basta sa tabi ng kapit-bahay ang alam ko. Actually ay wala naman nga silang kapit-bahay! Niloko ako ni Fyuch!

Pagka-scan ng kulay pulang ilaw sa plaka ng sasakyan namin ay agad na bumukas ito at sumalubong sa paningin ko ang mga security personnel na organisadong nakakalat. Hindi ko mapigilang hindi mapanganga sa gulat. Sinuyod ko ng tingin ang napakalawak na espasyo kung saan para akong nasa labas ng White House.

"F-Fyuch...'yung totoo, dito ba sa inyo nakatira ang Presidente ng ating bansa?"

"Pfft...nope. Inside there is only the president of Smith Corporation."

Hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa mga ito.

"Grabe napakarami niyo namang security guards. Para kayong may iiniingatang ginto na sinlaki ni Buddha."

"Wala kaming ginto na sinlaki ni Buddha."

Nakangiti akong tumingin sa kanya. "Hehehe. Medyo mahihirapan yata akong makalusot sa securities ninyo kapag nagkataon na mag-akyat bahay ako."

"Mukhang may balak ka, ha? I think I should warn them to beware of your face."

"Uy grabe ka. Ngayon mo patunayan kung gaano ka kapatay na patay sa 'kin. Dapat pagkatapat ko pa lang sa mga pintuan niyo magbubukas na lahat ng lagusan papunta sa kwarto mo."

Oo gusto ko deretso sa kwarto!

"Wow." Natatawa siyang nag-park at pagbaba namin ay sumalubong agad sa amin iyong isa doon sa mga sekyu. Binigay dito ni Fyuch iyong susi ng kanyang sasakyan.

Mabuti na lang kahit biglaan 'tong family dinner namin ay mukha akong tao. Thanks to my very natural beauty na lang talaga na laging prepared.

Dalawang magkamukhang mga dalagita ang sumalubong sa amin ni Fyuch at sabay na nanlalaki ang mata ng mga ito na nakatingin sa amin. Jusko ang gagandang lahi naman ng mga ito! Mukha silang mga manika!

"They're my sisters. Kambal din sila. Yang amasonang tabachoy na 'yan si Athena." Nanlisik ang mga mata nito sa sinabi ni Fyuch.

"Hindi naman siya mataba," sabi ko at ngitian si Athena na masama pa rin ang tingin sa kanya.

"Noong bata siya mataba siya." Tumingin naman siya doon sa isa pa na mas girly kumpara kay Athena. "Siya naman si Althea, mag-iingat ka d'yan tumatawa 'yan mag-isa."

"Writer kasi ako, Kuya! Writer ako, okay?!"

"Okay, sabi mo e." Napaka-mapang-asar na kuya!

Gulat pa ring bumalik ang tingin sa akin ng dalawa. Gusto kong tumawa sa mga itsura nilang animo'y nakakita ng magandang multo pero sabay nang tumalikod ang mga ito habang sumisigaw.

"Mommy! Nandito na si Kuya Tam Tam may kasamang babae!!" may pagka-siga na anunsyo ni Athena.

"Gosh, Daddy!! You won't believe it! Kuya Tam Tam has a girlfriend na!!"

Luuuh 'di ko pa sinasagot ang kuya ninyo!

Nakangising bumaling ng tingin sa 'kin si Fyuch. "Don't worry, no pressure."

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now