"Eh nakakatamad mag-picture eh." sagot ko naman. Nakakatamad naman talagang mag-selfie. Kailangan pang humanap ng magandang angle kung saan ka maganda. Tapos magi-edit pa kapag pangit. Isa pa, wala akong pang-filter na applications. Basta! Katamad yang selfie-selfie na yan. Hindi naman ako katulad nang ibang babae na halos lahat ng galaw pinipicturan.




"Halika nga. Selfie tayo. I-post mo 'to sa wall mo or sa IG mo ha!" pag-aalok niya. Wala naman akong nagawa kasi lumapit na siya at naka-ready na ang camera ng cellphone niya. Kaya pinagbigyan ko nalang.




"Oh diba! Ang ganda mo nga dito oh! Isi-send ko 'to sayo mamaya. Upload mo ha." request niya.




"Okay okay." tipid na sagot ko.




Ilang saglit pa ay napadako ang mata ko sa dyosa na dumating. Heto na naman tayo. Tulo-laway na naman.




Naglalakad siya sa pathway patungong office. Tangina! Parang tumigil ang oras. Wala akong nakikitang ibang tao kundi isang dyosa lang na naglalakad. Nangangatog ang tuhod ko. Babagsak ata ako sa lupa. Ganoon ang epekto ng existence niya sa akin.




Lalo akong nawalan ng lakas ng hinawi niya ang hibla ng buhok niya para maisabit sa tenga. Bakit ba ganito. Napaka-perpekto niya. Ang mukha, ang katawan, ang gestures, lahat-lahat perfect.




"Heyyy! Lisa!" tawag atensyon sa akin ni Rosé kaya medyo nagulat naman ako.




"Ah yes, why?" sambit ko nalang.




"Ano bang nangyari sayo? Natulala ka diyan. Ano bang tinitingnan mo?" wika niya at sinundan ang tingin kong saan ako nakatingin kanina. Mabuti nalang at tuluyan nang nakapasok si Ma'am Jennie sa opisina niya.




"Wala wala. Tara na. Malapit nang magsimula klase natin." sabi ko sa kanya sabay hila ng kamay niya. Tumayo naman ito at sumunod nalang.


+++


"Chu! Good morning. This is Rose Anne Park. Our new friend. You can call her Chaeng or Rosé. And Chaeng, this is Jisoo. May bff." ngiting pagpapakilala ko sa kanila.




"Oh hello Jisoo. Nice to meet you!" bati ni Rosé kay Jisoo sabay abot ng kamay. Ngumiti naman agad si Jisoo at tinanggap ang kamay ni Rosé.




"Nice to meet you too Chaeng! Nakakatuwa naman. Nadagdagan na tayo." wika ni Jisoo. Halata ngang masaya siya sa bagong kaibigan namin. May pa palakpak pa ito. Mukhang shunga lang. Hahaha! Kaya nga mahal ko 'to eh.




"Oo nga. Pansin ko, kayo lang dalawa palaging nagsasama. Wala ba kayong ibang kaibigan?" tanong ni Rosé.




"Naku! Itong si Lisa kasi eh. Mapili kung sinong kakaibiganin. Marami namang gusto, pero sinisimangutan lang nito eh!" litanya ni Jisoo sabay mahinang batok sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin.




Jisoo's right. Mapili ako ng kaibigan. I don't know. It's just that whenever I look at their eyes, those who want to befriend me, I can sense already that they just wanted something from me. Maybe because of what I experienced when I was a kid. Maraming nawi-weirduhan sa'kin.




Marami namang lumalapit, at kapag tinataboy ko, lumalayo na agad. Kumbaga, hindi sila seryoso. May gusto lang silang makita o makuha galing sa akin, yun ang palaging nararamdaman ko. Kaya nga nagtaka talaga ako kung bakit ang dali lang para kay Rosé na kunin ang tiwala ko. Siguro, iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Wala akong nasi-sense na gagamitin lang niya ako o tatraydurin pagdating ng panahon. Siguro yun ang dahilan kung bakit magaan agad ang loob ko sa kanya. Para akong may super powers pagdating sa mga taong gustong makipagkaibigan. HAHAHA! Judgmental na ako kung yun ang tingin nila sa akin, pero wala akong pakialam sa mga sinasabi nila. Hindi ako mabubuhay ng mga paninira at tsismis. Hindi ako napapakain nun.




The Substitute Teacher Where stories live. Discover now