Chapter Six

1.8K 51 2
                                    

Oh No!!


Jennie's POV


I've been through hell for the past fifteen years. Since the time that me and my father went to New Zealand to live there, I thought everything would be fine. But he wasn't changing. He became worst. Hindi naman dumadating sa punto na nananakit siya pero parang hindi niya ako tinuring na anak. Para lang akong robot na sumusunod sa lahat ng dikta at utos niya. But still I am hoping that someday, he will constantly change for the better. He is my dad after all. I wouldn't be existing if he is not here. Kaya kahit anong pinapagawa niya, ginagawa ko. Kahit anong utos niya, sinusunod ko. Mahal ko ang Papa ko, at ayokong iwan siya gaya ng walang kwenta kong ina.




Kaya nandito ako sa Pilipinas para tuparin ang utos niya sa akin na tulungan ang Lolo ko sa university namin. Training ko daw ito dahil ako ang magmamana nito lahat. Oo, pamilya namin ang nagmamay-ari ng school na pinagtatrabahuhan ko. Marami ding iba pang school branches sa iba't-ibang panig ng Pilipinas but nag-originate ito lahat dito. Sa university na kinabibilangan ko bilang substitute teacher.




My grandparents are very lovable. Masyado nila akong spoiled pero ayokong bini-baby nila. Nag-iisang apo lang kasi ako dahil nga isa lang din anak nila which is my dad. Alam nila ang nangyari sa pamilya namin partikular na sa asawa ng papa ko, pero ayaw nilang makialam. Bumibisita din sila sa New Zealand kapag holidays or kung gusto nila. Gusto nga nilang dalhin ako sa Pilipinas sa tuwing nagbabakasyon sila sa amin pero hindi talaga ako sumasama. I can't leave my dad.




"Oh princess, how's your lessons?" Lolo asked me when I visited them at their mansion. They wanted me to live there for the meantime but I refused. Dinadahilan ko nalang na gusto ko ng mas malapit sa university para hindi hassle. Meron naman na akong nakuhang unit at napaka-convenient nito para sa akin.




"It's fine Lo. Kayo po? Musta po kayo ni Lola?" tanong ko sa kanya sabay beso. Kararating ko lang kasi galing sa university, at dumiretso na ako dito para bisitahin sila. Pangatlong beses na akong nagpunta dito.




"We're fine princess. By the way, your Lola is cooking your favorite food right now. You should go see her in the kitchen. Na-miss ka nun. Lagi ngang nangungulit na bisitahin ka raw namin sa condo mo eh." wika ni Lolo. Napangiti naman ako. Hindi man kumpleto ang pamilya ko, at least my grandparents are always there for me. Although hindi ako masyadong open sa kanila, tina-try naman nila ang lahat para mapasaya lang ang nag-iisang apo nila. They are a blessing for me.




"Okay po Lo." pagkasabi ko nun ay pumunta agad ako sa kusina. I saw my grandma fixing the table for dinner together with the maids. I just smiled while watching her. When she noticed me, she flashed a smile although medyo nagulat siya na nandito na ako.




"Oh apo. Kanina ka pa ba diyan? Halika, kumain na tayo." wika niya sabay lumapit at niyakap ako. "We missed you apo. Natutuwa ako na pumunta ka." dagdag niya.




"No problem La. Kung May panahon ako, bibisita ako lagi dito." nakangiting tugon ko sa kanya at niyakap din siya ng mahigpit. Ang suwerte ko lang na sila ang grandparents ko.




"Upo ka na dun. Niluto ko paborito mo. Tatawagin ko lang Lolo mo okay." wika ni Lola.




Agad naman akong umupo. Naamoy ko ang halimuyak ng paborito kong inihaw na bangus at adobong manok. Mukhang pansamantalang mawawala ang diet-diet na yan ngayon. Meron ding sawsawan na may kaunting sili. Perfect combination sa inihaw na bangus. Nakahanda na rin ang pineapple juice na paborito ko ding inumin.





The Substitute Teacher Where stories live. Discover now