"Ikaw ba naman kasi torpe ng maraming taon."

Nagtawanan ang dalawa.

"Ang tanga ko sa part na 'yon." I said.

Nagkatitigan sila bago humagalpak muli ng tawa.

"Sobrang tanga, pre. Sobra sobra. Torpe rin ako pero hindi 'yong ganyang ka-grabe sa'yo. Waley pre!"

"Tulungan niyo naman akong bumawi oh."

Napangisi ang dalawa.






AMARA'S POV

Tinext ako ni Yeshua na nasa college department raw sila at doon ko raw sila kitain.

Hanep rin si Sir Gino. Ang daming pinagawa.

Napatingin ako sa relo ko at pasado alas tres y media na.

Naglalakad ako sa hallway papuntang college nang may sumabay sa paglalakad ko.

"Hi, Domingo. Ako si Marianne."

She was familiar. Batch?

"Hello."

Sinasabayan pa rin niya ako. "Nakita mo ba si Vincent? Kanina ko pa kasi siya hinahanap e."

Hmm?

Huminto ako at binalingan siya. Wew! Mas matangkad siya kaysa sa akin.

"Alam ko kung nasaan siya, bakit?"

Nasiyahan ang ekspresyon niya. "Gusto ko lang siyang makita." Kinindatan niya ako.

"Makita lang ba?" Tukso ko habang naglalakad na kami.

"Uhm, makasama na rin. Hehe."

Vincent Fernandez, ano 'to ha?

Nakalatag na picnic blanket lang ang naabutan namin doon sa kadalasan naming tambayan.

"Nasaan sila?" Tanong ng kasama ko.

"Sabi nila dito ko sila kikitain e."

Nilabas ko ang phone ko para tawagan si Yeshua. Ring lang ang bumungad sa akin at hindi niya sinasagot.

"Nasaan kaya sila?" Tanong ko sa sarili at kinakalat ang paningin sa buong soccer field ng college department. Napatingin ako sa tabi ko nang hindi ko na maramdaman ang presensiya ni Marianne doon. "Huh?"

Sumalampak na lang ako sa blanket na nakalatag at kinalikot ang phone para tawagan ulit ang mokong.

Maya-maya ay may narinig ako.

I don't know why but when I look in your eyes

I felt something that seems so right

You've got yours I've got mine I think I'm losing my mind

'Cause I shouldn't feel this way~~

Domingo #3: Crush Me BackWhere stories live. Discover now