Kabanata 1

11 0 0
                                    

"Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan

May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay"

I heard a group of people jamming while seating on the white sand of this Island habang may bon fire na nakapagitna sakanila, sinipat ko sila ng maigi but I didn't recognize their faces. I unconsciously rolled my eyes on them from a far dahil paboritong kanta pa talaga ng ex ko ang kinakanta nila, letse! 

"Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon,

"Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan,"

Before I could hear the fucking whole song ay mabilis akong umalis doon at dumiretso sa isang malapit na cottage para mapag-isa.

I'm currently spending my summer alone dito sa isang 5 star beach resort dito sa Limasawa Island Southern Leyte, Island Lagoon Beach Resort. I scanned the whole place at nakitang walang gaanong tao dito sa dalampasigan gayong gabi na.

Binuhay ko ang aking cellphone at bumungad agad saakin ang wallpaper ko kasama ang aking ex. Mabilis na dumalaw ang sakit sa aking dibdib dahil sa mga ala alang biglang mabilis na pumasok sa aking utak. I swallowed hard para mapigilan ang nagbabadyang luha.

Dahan dahan kong hinilot ang aking dibdib dahil sa sakit na nararamdan. Huminga ako ng malalim at mabilis na tinawagan ang number ni Justin, never in my life na umabot sa ngayon sa punto na ako ang hahabol sa ex ko.

I placed my phone near my ear at narinig na he's phone is ringing. Nagulat ako dahil sinagot niya ito. Parang nabuhayan ako ng loob dahil hindi ko expect na kakausapin niya pa ako ulit.

"J-Justin are you there, Love?" nanginginig ang boses ko. Fuck! I sound so desperate. I waited for a response, I heard a heavy sigh bago siya magsalita.

"Akhia please, ayoko na." mariin niyang sinabi tsaka mabilis na bumagsak ang kanina pa nagbabadyang mga luha galing sa aking mata.

"Justin three years, three fucking years. Tapos iiwanan mo lang ako ng walang malinaw na dahil?" pumiyok ang boses ko tsaka mabilis na pinunasan ang mga luha.

"I told you Akhia, pagod na ako sayo. Ayaw ko na, tigilan mo na ako!" parang punyal ang bawat salita na binitawan niya na ulit ulit na bumabaon sa dibdib ko.

He hanged up the call, dahil sa galit ay lumbas ako sa loob ng madilim na cottage at ibinato ang cellphone ko sa dagat.

"Fuck ka Justin hindi kita kailangan!" sabi ko sabay nag middle finger sa harap ng kawalan.

I spent my three years for a bastard like him! Paano nila nakakaya na mang-iwan nalang basta ng walang sinasabing rason? Mababaliw na ako sa kakaisip kung saan ako nagkulang.

Napaupo nalamang ako dahil sa labis na panghihina na naramdaman ko. Iniyak ko lamang ang lahat.

"Ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sayo Justin, sana humabo ang buhok mo sa ilong gago ka!" I screamed at the top of my lungs, ng makabawi ay mabilis akong umalis doon at pumunta sa isang open night bar dito sa resort. Malapit ng mag madaling araw ngunit masiglang nagtatawanan parin ang mga tao dito. Sana all masaya diba.

"Vodka," sabi ko sa barista bago umupo sa highchair tsaka lumingalinga sa paligid.

"Miss, bawal po kaming magserve ng hard liquor sa underage," sabi ng barista sakin.

"Excuse me, 19 na ako Kuya. Kakabreak lang namin ng jowa ko last week, alam mo ba yung pakiramadam kuya ng iiwan ka kahit walang sinasabing rason, diba kuya naransan mo na ba 'yon? kaya sige na bigyan mo nalang ako ng alak," sabi ko sabay pakita ng aking ID na nakalagay sa aking bulsa. Nakumbinsi naman ito at agad na kumuha ng vodka.

Maybe the Night (Limasawa Series 3)Where stories live. Discover now