Prologue

3 1 0
                                        

Papunta ako ngayon sa hotel sa manila kung saan may gaganapin na event, inimbitahan ako dahil isa ako sa mga Accountant ng isang malaki at sikat na national tv company dito sa pilipinas, hindi ako usually na attend sa mga event kasi wayback two years ago umalis ako sa pilipinas at kumuha ng CMA examination at nakapasa ako.

Kakauwi ko lang last month, dito na sa hotel na rin binook ng coordinator ang deluxe room para sakin at mamayang gabi mag aayos nalang ako at aattend ng event.

"Ma'am ihahatid nalang daw po sa room nyo yung gagamitin nyo mamaya" paalala sakin ng driver ko.

Tumango lang ako at saka bumaba ng sasakyan at pumunta na sa unit ko. Pagkapasok ko sa unit nagtanggal kaagad ako ng coat at tinali ang buhok ko gamit ang clump ko saka ako umidlip muna.

-

Nagising ako sa alarm sa cellphone ko. Kinuha ko ito at pinatay saka ako bumangon para maligo. Matapos ko maligo may kumatok sa pinto ng unit ko. Pagkabukas ko isang staff ng ntv company.

"Ma'am ito po yung susuotin nyo mamaya"

Tumango ako saka sinara na ang pinto.

Matapos ko magbihis at ang ayos ng sarili naghihintay na lamang ako ng oras para makaalis na at pumunta sa event floor.

-

Mabilis lumipas ang oras lumabas na ako ng unit at saka pumunta sa event floor. Pagkapasok ko ang dami ng tao. Ayoko kasi maghintay ng matagal kaya sinadya ko exactly seven pm dumating.

"Good evening ma'am, May I know your name po regarding to your seat"

Sinabi ko ang name ko saka ako sinamahan papunta sa vip table one.

"Thank you"

Pagkaupo ko inayos ko ang sarili ko nandito na rin ang ibang mga kasamahan ko may CIA at MBA, hindi ko sinasadyang mapatingin ako sa vip table two na dapat hindi nalang pala.

Fuck anong ginagawa nya dito?

After two years ha.

Hindi nya ako nakita dahil tutok sya sa cellphone nya nagta-type, kaya naman iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at nagtago ng bahagya sa nasa harapan ko na kapwa ko Accountant.

Pero bakit ganon? akala ko wala na eh, akala ko sa two years na umalis ako mawawala rin ang pagkakagusto ko sa kanya pero mukhang hindi pala talaga, sadyang distracted lang siguro ako nung mga panahon na yon.

It Was All Fate? (On-going)Stories to obsess over. Discover now