Kaibigan Lang

2 0 0
                                    

Tuloy tuloy na usapan,
Walang katapusan na kwentuhan,
Mensahe na puno ng tawanan,
Inaabot ng magdamagan,

Sabik gumising sa umaga,
Sapagkat ika'y makakausap na,
Inaabot ng ala una,
Minsan nga'y ayaw nang matulog pa,

Magandang Umaga
Kumain ka na ba?
Anong ginagawa mo?
Tanong na naging dahilan ng aking paghulog,
Nag-aabang na lamang sa iyong pagsalo,

Sa tinagal ng ating usapan,
Tila hindi ko malaman kung saan lulugar
Ngunit aking naalala,
Ako nga pala ay Kaibigan Lang

~
<3

PoetriesWhere stories live. Discover now