Hanggang Dito Nalang

6 3 2
                                    

Mahal? Paano ko ba sisimulan?
Hindi ko alam kung saan ko ba uumpisahan,
Sa masaya ba? O sa masakit nating alaala?
Alaala na pwedeng balikan,
Ngunit di na mauulit pa,
Dahil relasyon nati'y winakasan mo na,
Pinilit kong lumaban,ngunit ang natitirang pagpipiliin na lamang ay ang sumuko na,
Sumuko ako hindi dahil sa hindi na kita mahal,
Sumuko ako dahil iyon na lamang ang natitirang paraan,
Paraan na kahit kaila'y di ko naisip na kakahantungan,
Mahal kita ngunit nakikita kong mas mahal mo siya,
Mahirap tanggapin ngunit kinakailangan,
Ayokong makulong sa isang kasinungalingan,
Sinabi mong ako'y mahal mo pa ngunit di ko na nararamdaman,
Kaya pinili kong bumitaw na lamang
Mahal sa tagal na ating pinagsamahan bakit ganon na lamang sayo kadaling bitawan?
Bakit hindi ko naramdaman na may iba ka na pala dyan?
Bakit biglaan? Hindi mo manlng dinahan dahan,
Nais kitang tanungin ngunit ako'y natatakot na dedmahin,
Marami akong nais sabihin ngunit ang isip ko'y puno ng baka,
Dahil na rin siguro sa iyong pinapakita,
Mahal? Wala na ba talaga?
Mahal? Tapos na ba talaga ang istorya nating dalawa?
Akala ko ba'y walang hangganan?
Akala ko ba'y ako lang? Ngunit bakit merong siya?
Mahal siguro nga'y hanggang dito nalang,
Pagod na kong ipaglaban ka pa ngunit di ibig sabihin non ay di na kita mahal,
Mahal kita kaya binitawan kita. Dahil alam kong dun ka sasaya,
Mahal salamat sa mga masasayang alaala,
Hinding hindi ko iyon makakalimutan,
Mahal hanggang dito na lang,
Mahal kita ngunit paalam na

PoetriesWhere stories live. Discover now