Chapter 6

35 7 0
                                    

"SURPRISE!!!!!"

Ganon nalang ang gulat ko ng makita ko ang mga ballons at decorations sa buong office at idagdag pa na nandoon silang lima, ang SB19.


"aww you prepared all of this?" medyo nagiging emosyonal na ako pero pinipigilan ko lang.


Kinuha naman ni Sejun yung box na bitbit ko at ipinatong sa may upuan kaya nag pasalamat ako.

"yes we did, congrats Ms. Hong!!!" sabay-sabay nilang sigaw at lumapit sakin para mag group hug.

"thank you boys.." tumulo na yung luhang pinipigilan ko kanina pa. Pinahid ko yon at naka ngiting tumingin sa kanila.

"hey walang iyakan!" biro ni Stell.

"I'm... I'm just happy" natatawa kong sagot kahit na naluluha padin ako. Mukha akong baliw pero wala akong pakialam.


"Nako nako tara kakain at nalamig na yung mga pagkain na inorder" sabi ni Josh at nangunang lumapit doon sa table na puno ng pagkain.


"nako basta talaga pagkain" naiiling na sabi ko pero di naman niya ako pinansin dahil busy na siya sa pag kuha ng kakainin niya.


Lumapit kami don at kanya-kanyang kuha ng pagkain. Nag kukulitan pa si Josh at Justin dahil sa dami ng pagkain na kinuha ni Josh. Si Stell nakikipag usap kay Sejun habang si Ken ayon tahimik as usual.


Nang maka kuha na kami ng pagkain ay sabay-sabay kaming kumain doon sa may sofa set na magka harap. Nasa tabi ko si Stell at Sejun habang sa harapan namin si Josh, Justin at si Ken na mukhang nabibingi na don sa dalawa.


"Jah akala ko umuwi ka sa North?" tanong ko na nakapag patigil sa pagkukulitan nung dalawa.


"ah  kasi pinauwi nila--- ahh!!..." bigla siyang napa hiyaw ng tapakan ni Josh ang paa niya. "umuwi talaga ko para dito hehe" napa kamot siya ng ulo at nagpatuloy kumain.


Mukang may isang bata na napilit ng mga kuya niya ah hahaha.

Actually magkaka lapit lang yung age namin. So mas madali lang na magka sunod kami. Ang tagal na din naming magkaka sama kaya parang magkakapatid na kami.


"balita ko nag p-practice kayong dalawa" pag tutukoy ni Sejun saming dalawa ni Stell.

"hmm yes"

"andaya bakit kayo lang?" agad namang sinapok ni Josh si Jah.

"Hoy!!---"

"Hoy lang?" pinaningkitan ni Sejun ng mata si Jah.

"Hoy po!! bakit mo ko sinapok?!" inalog-alog niya pa si Josh.

"Wala kang ka-partner kaya wag ka mag inarte dyan!"

"edi ikaw!" sigaw ni Jah.

Lahat kami ay nanonood lamang habang nag babangayan yung dalawa. Lagi silang magka away pero di mo naman mapag hiwalay tsk.


"anong ako?!-- si Ms. Hong tas si Stell tapos sasabihin mong ako ka-partner mo? Manigas ka!" napa simagot si Jah at sinamaan ng tingin si Josh.


Medyo tumalikod si Jah kay Josh at saka nag make face kaya medyo natawa kami nina Stell at Sejun.


"arte arte ang liit liit naman" nag hihimutok na bulong ni Jah.

"ano?!" pinandilatan naman siya ng mata ni Josh.


"wala!!" sigaw ni Jah at pinilit baguhin ang topic.

Secretly Inlove with the Idol (Idol Series #2)Where stories live. Discover now