Ikaw, kung anu-ano na agad ang nai-imagine mo. Hindi pa nga nagtatapat sa iyo si Jarome. Tigilan mo ang pag-a-assume dahil baka masaktan ka lang. Piping saway sa kanya ng isang bahagi ng isip niya. Kung sa bagay, bakit ba niya poproblemahin ang isang bagay na hindi pa naman talaga nangyayari?

Sinikap na lang niyang ituon ang atensiyon sa pakikipag-usap sa binata hanggang sa makalapag sila sa Maynila upang huwag nang muling umukilkil sa isip niya ang mga ganoong isipin.

 *****

“Kamusta naman ang naging pagbabakasyon ninyo ni Jarome, girl?” narinig niyang tanong sa kanya ni Bea. Magka-usap sila nito through Skype.

Mag-iisang linggo na mula ng makabalik sila ni Jarome sa Maynila. At mag-iisang linggo na rin niya itong hindi nakikita. Hindi niya alam kung sadyang iniiwasan siya nito o talagang busy lang ito sa napakaraming bagay. Pero aminado siyang nami-miss na niya ito.

Kasalukuyan niyang sinusuklay ang buhok niya nang mga sandaling iyon dahil kakatapos lang niyang maligo. “Okay naman. Masaya,” maikling sagot niya sa kaibigan.

“Eh, bakit hindi ka naman mukhang masaya friend? May nangyari ba na hindi mo pa sinasabi sa akin?” Ganoon na ba kahalata ang emosyon niya at hindi na niya iyong magawang itago dito? Well, siguro ay talagang kilala na niya ito. Sa tagal na nilang magkakilala ay malamang na ramdam na nito kung may problema siya.

Bigla siyang may naalala. She used to have a female best friend, si Antonette. They were classmates since kinder to high school. Nagkalayo lang sila ng mag-decide itong sa Amerika na mag-aral ng kolehiyo. Simula noon ay sa email na lang sila madalas magkamustahan dahil hindi rin naman magtugma tugma ang schedule nila para man lang sana makapag Skpe sila.

Next to Antonette, si Bea na ang maituturing niyang pangalawang pinakamalapit niyang kaibigan. So wala naman sigurong masama kung magsasabi siya dito ng nararamdaman niya. Besides, hindi na niya kayang sarilinin ang bagay na iyon na ilang gabi na ring bumabagabag sa kanya.

“Actually, may nangyari nga. Si Jarome kasi…”

Natutop nito bigla ang bibig. “You mean, may nangyari sa inyong dalawa habang nasa Leyte kayo? I thought you two we’re just friends?” naguguluhimanang tanong nito.

Agad naman niyang sinansala ang maling sapantaha nito. “It’s not what you think, bruha. Ano kasi, feeling ko nagpaparamdam na sa akin si Jarome.”

“What do you mean by nagpaparamdam?” curious na tanong pa nito sa kanya.

“I mean, yung mga titig niya sa akin, parang nag-iba na. Alam mo naman yung titig ng isang kaibigan, di ba? Tapos extra sweet siya sa akin noong nasa Leyte kami,” paghahayag niya dito.

“Sure ka na iyon lang ang nangyari? Baka naman may inililihim ka sa akin, bruha?” panghuhuli pa nito sa kanya.

“Well, he kissed me once,” pag-amin na niya dito. Ikinuwento niya rito ang mga nangyari noong nag-swimming sila sa Rosalina beach resort. Ano ba naman ang ikakahiya niya? It was just a simple kiss anyway.

Bahagya itong napatangu-tango sa sinabi niya. “Baka nga nagkakagusto na sa iyo ang kaibigan mong iyon, girl. O, baka nga matagal na siyang may gusto sayo at ngayon mo lang napapansin. Pero ang malaking tanong dito, eh, bakit ngayon lang siya nagpaparamdam na may gusto siya sayo?” mahabang litanya nito.

“Sa tingin mo ba, nagkakagusto na talaga sa akin si Jarome?” hindi na niya napigilang itanong dito.

“Sino ba namang kaibigan ang basta na lang manghahalik sa labi? Eh, ikaw, gusto mo ba siya?” tanong naman nito sa kanya.

“Slight. Crush ko na ‘yun simula noong first year pa lang kami, eh.”

Hindi niya alam kung bakit bigla itong napakamot sa ulo. “Iyon naman pala, eh. Anong inaaarte-arte mo diyan? Kapag nagparamdam, o di kaya niligawan ka, sagutin mo na agad,” susog nito sa kanya.

Napabuntunghininga siya. Kung sana ay ganoon lang kasimple ang lahat. Inihayag niya dito ang nararamdaman. “Hindi naman kasi ganoon kasimple yun, girl. Hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. Marami pa akong pangarap na gustong maabot, and I’m sure maging si Jarome ay ganoon din. Besides, crush ko lang naman siya. And crush is different from love.”

“Alam mo, pakiramdam ko, hindi lang simpleng crush iyang nararamdaman mo para sa kaibigan mo. Mas malalim pa sa crush yan, girl,” seryosong sabi nito sa kanya.

Saglit na inanalisa niya ang sariling damdamin. Could it be na hindi nga lang simpleng crush ang nararamdaman niya para kay Jarome, kundi love? Hindi niya pipiliting sagutin ang bagay na iyon ngayon din. She has all the time to know the answer to that question.

“Basta, kung ano man ‘tong nangyayari sa amin, this will all get by. For sure, isa lang itong phase sa pagkakaibigan namin na malulusutan din naming dalawa.” Pagkukumbinsi pa niya dito, at maging sa sarili niya.

“Okay, sinabi mo, eh. O, siya, magsa-sign-out na ako girl at maghahanda pa ako para sa duty ko sa hospital. Mag-iingat ka lagi diyan. Missed you, girl!” Nag flying kiss pa ito sa harap ng camera.

“Ikaw din, ingat ka din diyan. I missed you too,” nakangiting saad niya dito.

Ilang minuto nang blangko ang monitor ng laptop niya pero nanatiling nakatitig pa rin siya doon. Isang tanong ang nabuo sa isip niya: Kung sakaling manliligaw nga sa kanya si Jarome, handa ba siyang tugunin ang damdamin nito sa kanya?

At hindi pa man, batid na niya ang sagot sa sarili niyang tanong. Masakit man ay kailangan niyang tanggihan iyon para na rin sa ikabubuti nilang dalawa. Marami pa siyang pangarap na gustong matupad at hindi makakatulong kung papasukin niya ang isang walang katiyakang relasyon. Tutal, mga bata pa naman sila. Kung sila talaga ang nakalaan para sa isa’t isa, kusa silang paglalapitin ng tadhana pabalik sa piling ng isa’t isa no matter what happen.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon